top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Feb 13-14… Kap’s Amazing Valentine’s Giveaway, abangan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 12, 2021
  • 3 min read

ni Bong Revilla - @Anak ng Teteng | February 12, 2021



Heto na naman, meron na naman tayong gadget giveaway, para ito sa ating mga kababayan na walang tigil na kapapadala ng kahilingan at katanungan kung kailan ang susunod na bigayan.


Nakakatuwa dahil nagsimula lamang ang pamamahagi natin ng gadgets noong magdiwang ako ng aking kaarawan noong nakaraang Septyembre 25 bilang kapalit ng nakatakda sanang selebrasyon.


Dahil sa pandemya ay minabuti kong huwag nang magsagawa ng malaking handaan na taun-taong ginagawa ng aming pamilya, bilang pagsunod sa umiiral na health protocol.


Ngunit habang papalapit ang araw ng aking kaarawan ay nakaramdam ako ng labis na kalungkutan na hindi ko makakapiling ang marami sa aking mga kaibigan, tagasuporta, tagahanga at iba pang bisita na palaging dumadalo sa aming tahanan.


Dito ko naisip na mamahagi na lamang ng gadgets tulad ng cellphone, tablet, phablet at laptop na isinagawa ko online sa aking facebook page na https://facebook.com/bongrevillajrph upang lahat ay mabigyan ng pagkakataon.


Dahil sa hindi naman nating kayang bigyan ng gadget ang buong bansa ay nagkaroon tayo ng raffle at mga palaro upang kung sino ang papalarin ang siyang magkakaroon ng gadget.


Matapos ang kauna-unahang pamamahagi natin ng gadget ay dumami na ang nakikiusap na sana ay muli tayong mamahagi kaya nasundan ito bago magbukas ang online classes at nagkataong napakaraming estudyante at mga guro ang kailangang-kailangan ng gadgets.


Kaya muli itong nasundan nang nasundan para mabigyan ang maraming mag-aaral ng gadget at bukod sa libu-libong gadget na ating naipamahagi ay nadagdagan na kalaunan ng cash na premyo.


Noong nakaraang Septyembre na halos isang linggong selebrasyon ng aking kaarawan ay umabot sa 12 milyon ang kabuuang naipamahagi, naulit noong Oktubre na may 2 milyon ang ating naipagkaloob.


Panibagong 2 milyon sa buwan ng Nobyembre at 6 milyon naman ang naipamahagi noong Disyembre dahil ilang ulit din tayong nagsagawa ng gadget giveaway bilang pamaskong handog natin sa ating mga kababayan.


Nakakataba ng puso dahil sa tuwing mamamahagi tayo online ay milyong kababayan natin ang nakatutok at sa pinakahuling pamamahagi na isinagawa namin ay umabot sa 1,754,482 ang People Reach, 1,407,186 ang Engagement, 663-K ang comments, 153,810 ang Shares, 561-K ang views at 53-K ang likes.


Noong una ay sa napakasimpleng programa lamang tayo nagsimula ngunit habang nauulit-ulit ay pasaya nang pasaya lalo pa at nagtitilian at nag-iiyakan ang mga kababayan nating nabubunot sa raffle.


Meron naman tumawag lang sa ibinigay nating numero sa gitna ng programa at ang una nating nasagot ay tumanggap agad ng malaking cash na papremyo at napakabilis ng phasing wala nang paliguy-ligoy pa kaya sobrang saya.


Nakadagdag din sa malaking kasiyahan ang aking maybahay na si Bacoor City Mayor Lani Mercado na isa sa aking co-host, kasama nina Benjie Paras at Moymoy Palaboy.


Ngayon heto na naman, matutuwa ‘yung mga tagasubaybay nating hindi tumitigil sa kakaabang dahil bukas, Pebrero 13 at sa 14 ganap na alas-6:00 ng hapon ay muli tayong mamamahagi ng gadget at cash sa dati pa rin nating Faceboook page.


Simula nang magkaroon tayo ng gadget giveaway hanggang sa kasalukuyan ay umaabot na sa 22 milyon ang ating naipamahagi sa kabuuan at panibagong 2 milyon na naman ang muli nating ipagkakaloob.


Tatawagin natin itong Kap’s Amazing Valentine’s Giveaway dahil sa alam kong marami sa atin ang hindi makakabuwelo nang pagdiriwang at pamamasyal sapagkat kailangan nating mag-ingat dahil sa pandemya.


Kaya may ka-date man kayo o wala ngayong Valentine’s Day ay huwag ninyong kaliligtaang tumutok at siguradong mapapasaya ko ang inyong mga puso!


Anak Ng Teteng!

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o

mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page