top of page

Fans, 'wag daw mag-expect… MORISSETTE, 'DI BIBIRIT SA PAGKANTA NG NATIONAL ANTHEM SA SONA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2021
  • 1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 24, 2021


ree

Buo na ang programa at listahan ng mga performers sa magaganap na State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Rodrigo Duterte sa Lunes, July 26.


Si Morissette Amon ang kakanta ng National Anthem. Pero ngayon pa lang ay ipinapaalam na sa publiko na huwag mag-expect na bumirit at sumipol ang tinaguriang Asia’s Phoenix, ayon sa mga organizers ng SONA this year.


Tatak kasi ni Morissette sa pagkanta ang pagsipol at pagbirit. Gusto raw ng mga organizers na ‘yung “tradisyunal” na rendisyon ang gawing pagkanta ni Morissette sa Lupang Hinirang.


For the past years, si Bb. Joyce Bernal ang nagdidirek sa SONA ni P-Digong, but not this time. Pinalitan na si Direk Joyce ng veteran RTVM director na si Danny Abad.


Not sure kung may kinalaman ang kontrobersiya na nangyari kay Direk Joyce kaya ‘di na siya ang magdidirek ngayon.


Kung inyong matatandaan, nagkaroon ng kontrobersiya nu’ng pumunta ang team ni Direk Joyce sa Sagada para mag-shoot ng gagamiting video sa SONA 2020 ni P-Digong.


Nadawit din sa kontrobersiya ang aktor na si Piolo Pascual na kasama ng team ni Direk Joyce na ‘di pinayagan ng Sagada local government heads na mag-shoot sa kanilang lugar.


Whatever the reason is, let’s just hope na maging maayos ang huling SONA ni P-Digong.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page