top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Fans, tinanong kung iboboto siya… LUIS, NAGPARAMDAM NANG TATAKBO NA RIN SA 2022 ELECTION

  • BULGAR
  • May 21, 2021
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 21, 2021




Sa Facebook Live ni Luis Manzano nu’ng Miyerkules, May 19, ang topic niya ay tungkol sa pulitika.


Hindi malayong balang-araw ay pasukin na rin ng mahusay na TV host-actor-businessman ang pulitika.


Ang kanyang momshie ay isang actress-politician, si Star for All Seasons Congresswoman Vilma Santos-Recto.


Pumalaot na rin sa pulitika ang ama niyang mahusay na actor na si Edu Manzano. Minsan nang naging vice-mayor ng Makati si Edu.


Isa sa kanyang mga viewers sa FB Live ang nagtanong if he’s entering politics sa darating na 2022 elections.


Ang sagot ni Luis, “Wala pa, pero malay natin.”


“Nakikita ko — baka naman nasa horizon ‘yan — ang pagiging isang pulitiko.”


Sambit pa ni Luis, “Naniniwala ako na lahat tayo, meron tayong obligation o responsibility to serve.


“We have different capacities. Puwedeng from a simple act of service, or through public service talaga. Para sa akin, hindi ko isinasara ang pinto ko sa pulitika.”


Pagkatapos niyang magpaliwanag ay siya naman ang nagtanong sa kanyang mga viewers.

“Ito ang pinakamagandang tanong — kung sakali ba na tumakbo ako, iboboto n'yo ba ako?

“May tiwala ba kayo sa akin pagdating sa boto ninyo? Iyon ang pinakamagandang katanungan,” dagdag pa ng mister ni Jessy Mendiola.


Positibo naman ang sagot ng mga viewers.


“Maraming-maraming salamat sa kumpiyansa na ‘yun… Thank you so much na so far, maraming may tiwala naman sa akin pagdating sa public service.”


Binanggit din ni Luis na ang deadline ng filing for candidacy ay sa October na.

Parang nagbigay na rin siya ng hint sa kanyang mga followers na siya ay tatakbo sa kung anumang posisyon sa gobyerno.


Aniya, “Tingnan natin kung tatakbo ako, tingnan natin kung ano’ng posisyon.


“Ang filing ng candidacy ay October, kung hindi ako nagkakamali. Puwedeng-puwede pang humabol, kung sakali man.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page