Fans, sumugod sa Wil Tower, wa' paki sa social distancing…
- BULGAR

- Jan 30, 2021
- 1 min read
WILLIE, NAGSORI, PAMIMIGAY NG PERA, FAKE NEWS LANG DAW
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 30, 2021

Hindi sukat-akalain ng Wowowin host na si Willie Revillame na huhugos-daragsa sa harapan ng Wil Tower ang mga tao sa kanyang kaarawan noong Miyerkules, Jan. 27.
Hindi naman kasi siya nag-announce na mamimigay ng cash-ayuda sa mga babati sa kanya. May nagpakalat lang ng fake news na mamimigay nga siya ng cash-ayuda kaya sumugod sa Wil Tower ang mga tao na galing pa sa iba't ibang parte ng Metro Manila.
Halos wala nang social distancing sa dami ng nagsisiksikang tao sa paligid ng Wil Tower na halos umabot daw ng apat na libo.
Mabuti na lang at maagap na dumating at tumulong ang mga pulis ng Kyusi, pati na ang mga barangay tanod na tumulong mag-ayos sa mga tao na dumating at naghintay sa Wil Tower.
Labis na ikinagulat ni Revillame ang nangyari at nag-alala na baka magkaroon ng stampede at maraming masaktan. Bukod dito ay may dala rin itong panganib sa kalusugan dahil may Covid pandemic pa.
Marami ang umasa at naghintay sa pagbaba ni Willie pero may nag-advise sa Wowowin host na huwag nang bumaba at magpakita dahil baka mas magkagulo pa ang mga tao sa paligid ng Wil Tower.
Sa kanyang show ay nagpaliwanag si Revillame sabay hingi ng sorry sa lahat ng nagpunta. Nangako naman siya na kung magiging normal na ang lahat at safe nang lumabas, gusto niyang makasama ang kanyang mga loyal fans sa isang malaking venue.
Sa ngayon, kailangan talaga na sumunod sa pinaiiral na heath protocols ng DOH.





Comments