Fans, sobrang selosa… SB19, BAWAL MAGKADYOWA
- BULGAR
- Sep 14, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 14, 2023

Nagbunga na rin ang pagsisikap at pagtitiyaga ng P-Pop boy band na SB19 dahil sikat na sila ngayon at libu-libo ang mga fans na sumusuporta sa kanila.
Mahigit tatlong taon din silang nag-training upang mahasa ang kani-kanilang talento sa pagkanta at pagsasayaw.
Noong una ay sinasabihan silang copycat lang ng mga Korean boy bands. Hindi raw sila sisikat dahil mas gusto ng mga kabataang Pinoy ang mga Korean boy bands.
Pero hindi sumuko ang SB19 at nagpatuloy lang sa kanilang career hanggang sa na-nominate sila sa Billboard Music Awards.
Si Stell Ajero o Stell ang tumatayong choreographer ng SB19 at ang iba pang miyembro ay sina Pablo Nase (lead vocalist, main rapper), Josh Cullen (sub-vocals), Ken Suson (main dancer) at Justin De Dios (sub-vocals).
Sa kanilang lima, si Stell ang kinuha ng GMA-7 upang maging isa sa mga coaches ng The Voice Generations kasama sina Chito Miranda, Billy Crawford at Julie Anne San Jose. “Forever boyfriend” ang tawag kay Stell ng mga SB19 fanatics. Sobrang possessive ang A’TIN (tawag sa kanilang mga fans and supporters) ng nasabing P-Pop boy band at ayaw nilang magkaroon ng GF ang sinuman sa SB19 members.
Sa guesting ni Stell sa Fast Talk with Boy Abunda, naikuwento niya ang mga hirap na pinagdaanan ng SB19 bago sila nabigyan ng break at nakilala. Kaya nangangako sila na mananatiling humble kahit na sikat na sila ngayon.





Comments