top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Fans, pinakikilig pero ayaw paasahin… PRAMIS NI BARBIE, BARDA NILA NI DAVID, 'DI MATUTULAD SA ALDUB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 3, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 3, 2023



Tinitiyak ni Barbie Forteza na hindi matutulad ang tambalang BarDa nila ni David Licauco sa AlDub tandem nina Maine Mendoza at Alden Richards.


Sisikapin daw nila na lagyan ng boundary at limitasyon ang kanilang on screen partnership.


Pakikiligin nila ang mga BarDa fans pero ipauunawa sa kanilang mga tagahanga at supporters na bahagi lang ng kanilang trabaho ang lahat. Labas na rito ang kanilang personal na buhay.


At hindi sila papayag na diktahan ng sinuman. Besides, alam naman ng lahat na may nobyo na si Barbie, ang Kapuso actor na si Jak Roberto. Six years na ang relasyon nila.


Hindi dadayain o paaasahin nina Barbie Forteza at David Licauco ang kanilang mga fans.


Pagbibigyan nila ang kahilingan ng mga BarDa fanatics bilang pasasalamat na rin sa patuloy na pagtangkilik ng mga ito sa kanilang love team.


Kung maraming kinilig kina Barbie at David sa Maria Clara at Ibarra, dobleng kilig ang ibibigay ng BarDa sa Maging Sino Ka Man na mula sa direksiyon ni Enzo Williams.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page