top of page
Search
  • BULGAR

Fans ng dalawa, nabuhayan ng loob, Alden…KATHRYN, NI-LIKE ANG POST NI ECHO

ni Nitz Miralles @Bida | May 26, 2024



Photo
File photo: Kathden_officialfansclub / IG - Jericho Rosales / IG

Nabuhayan ng loob ang mga shippers nina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo nang i-like ni Kathryn ang IG post ni Echo na nagsasayaw. 


Pero ang caption ng aktor sa kanyang dancing post ay: “Dahil walang laman ang fridge...”

Marami ring shippers sina Kathryn at Jericho, may mga kinikilig na baka maging sila, lalo nang sunud-sunod silang makitang magkasama. 


Marami rin ang natuwa sa ibinalita ni Ogie Diaz na nanliligaw na sina Jericho at Alden Richards kay Kathryn.  


Hindi na nga lang nasundan ang nakita silang magkasamang nag-jogging sa Marikina, hanggang puro Alden at Kathryn sightings na ang nabalita. Tapos, magtatambal pa sina Alden at Kathryn sa Hello, Love, Again.


Si Jericho naman ay makakasama sa isang drama series si Janine Gutierrez. Nawalan tuloy ng pag-asa ang mga Jericho-Kathryn shippers sa kanilang request sa ABS-CBN na pagsamahin ang dalawa sa isang drama series.


Dahil sa pagla-like ni Kathryn sa post ni Jericho, nabuhayan ang may gusto sa kanila. Nakakita sila ng pag-asa na sana naman, hindi masamain ng KathDen fans nina Alden at Kathryn.


 

Kinarir ang pagho-host… GABBI, 5 TIMES NAGPALIT NG GOWN SA MISS U PHILS. 2024



Photo
File photo: Gabbi Garcia / IG

Hindi lang si Alden Richards ang pinuri sa pagho-host nito sa Miss Universe-Philippines 2024, kundi pati si Gabbi Garcia. Ang daming positive comments sa kanya at lahat ay nag-agree sa sinabi ng isang viewer ng coronation night na “Gabbi understood the assignment.”


Naghanda raw siya and she came prepared, kaya confident sa coronation night. Mapapanood ang husay niya in hosting MUPH mamaya dahil airing sa GMA-7 ang delayed telecast ng coronation night.


First hosting stint ito ni Gabbi for MUPH at may mga nagre-request na kunin uli siya next year, or better yet, sumali raw ang Kapuso actress sa MUPH. 


Nabanggit na ni Gabbi na dream din niyang maging beauty queen, pero nag-iba na yata ang priority niya at focused na siya sa showbiz career niya at pagiging global endorser.

Kinarir nga ni Gabbi ang pagho-host at five times siyang nagpalit ng gown. 


Comment uli, kung mas humaba pa raw ang coronation night, baka umabot sa six gowns ang isinuot ni Gabbi. 


May gown siya from Mark Bumgarner, Maraxchua, Anthony Ramirez, Bonita Penaranda at Rajo Laurel.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page