Fans, mas kampi sa aktres… DANIEL, NEGANG-NEGA NA SA PANLOLOKO KAY KATHRYN
- BULGAR
- Dec 5, 2023
- 3 min read
Updated: Dec 19, 2023
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 5, 2023

Durog na durog ngayon sa mga bashers si Daniel Padilla dahil sa paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo. Minarkahan siya ng lahat bilang babaero at two-timer.
Si Kathryn ang kinampihan ng lahat. Galit na galit ang mga loyal fans ni Kathryn kay Daniel.
Sa kabila daw ng kabaitan at sobrang pagmamahal sa kanya ni Kath ay nagawa pa ni Deej na lokohin at paglihiman ang nobya.
Ganunpaman, nagpapasalamat naman ang mga loyal fans ni Kathryn dahil tuluyan nang nakawala ang kanilang idolo kay Daniel. Puwede na raw pumareha sa ibang aktor si Kathryn o magbida nang solo lang.
Hindi na niya kailangang dumepende sa KathNiel love team. Ang career ni Daniel Padilla ang tiyak na mamemeligro ngayon.
Marami ang na-turn-off at dismayado sa ginawa niyang panloloko kay Kathryn. Malaking damage control ang dapat gawin upang bumalik ang dating kasikatan ni Daniel Padilla.

Excited si Piolo Pascual sa pelikulang Mallari na kalahok sa darating na MMFF 2023.
After 20 years ay muli siyang magiging bahagi ng filmfest.
Ang pelikulang Dekada '70 with Vilma Santos ang unang movie niyang naging bahagi noon ng MMFF.
Mahirap at napaka-challenging ng role ni Piolo Pascual sa Mallari dahil gumanap siya sa tatlong katauhan sa magkakaibang panahon.
At dahil historical period movie ang Mallari na tatalakay sa buhay ng paring si Padre Severino Mallari na pinatay ng mga Kastila, acting piece para kay Piolo Pascual ang role niya sa movie.
Kahit na horror film ito, pinaganda ang lahat ng aspeto ng pelikula. Na-impress ang Warner Bros sa kinis at kalidad ng Mallari kaya pumayag silang maging distributor ng movie.
Ang Mallari ay mula sa direksiyon ni Derick Cabrido mula sa panulat ni Enrico Santos at produced ng Mentorque Productions ni Bryan Diamante. Tiyak na ito ang pelikulang unang panonoorin ng mga GenZ.

Basta ang newbie singer na Ateneo graduate at take note, cum laude lang naman na si Jeri (Jericho Violago in real life) ay puro good karma ang inaani ngayon at just last week, ini-launch na nga ang kanyang debut single titled Gusto Kita na mula sa ABS-CBN's Tarsier Records.
Napanood namin ang music video ng Gusto Kita kung saan kasama ni Jeri ang It's Showtime co-host na si Jackie Gonzaga at in fairness, may kilig naman ang mga sweet moments ng dalawa.
Tinanong nga namin si Jeri after ng mediacon kung 'di ba siya na-fall kay Jackie habang ginagawa nila ang music video ng Gusto Kita at natatawang sagot nito, nagbiro nga raw sa kanya ang It's Showtime co-host na "Uy, 'wag kang mahulog sa akin, ha?"
Pero dahil career ang focus ngayon ni Jeri na desididong sumikat bilang singer at hopefully bilang actor din since young Matteo Guidicelli nga ang tingin sa kanya ng lahat, ayaw daw muna niyang mag-love life.
Inamin niyang break na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend, pero itinanggi naman niyang dahil mas pinili niya ang kanyang career kaya sila naghiwalay. In good terms naman daw sila ng girl.
At the age of 23, aminado si Jeri na hindi siya mabilis ma-fall sa isang babae dahil importante sa kanya 'yung makilala muna ito nang husto tulad din ng kanyang character sa music video ng Gusto Kita.
At siyempre, kailangan daw ng approval ng kanyang pamilya kung magkakaroon man siya ng susunod na girlfriend.
Sobrang supportive ang family ni Jeri sa kanyang singing career, lalo na ang kanyang mommy na ang ganda ng PR sa press pero hindi naman stagemom ang datingan, in fairness.
Kaya naman we hope na matupad ni Jeri ang kanyang dream na sumikat as singer lalo't may 'K' naman siya at pasado rin sa amin ang Gusto Kita na isinulat ng magaling na composer na si Vehnee Saturno.
Anyway, Gusto Kita is currently being used as bed music in a popular segment on It's Showtime.





Comments