top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Fans, ilang beses nag-standing ovation… FINALE CONCERT NI REGINE, TODO-IYAKAN

Writer: BULGAR
BULGAR
6 hours ago
3 min read

ni Rohn Romulo @Run Wild | October 20, 2026



RUN WILD - FINALE CONCERT NI REGINE, TODO-IYAKAN_IG _rochellepangilinan

Photo: IG _rochellepangilinan



After ng Finale concert…

DOCUMENTARY SA BUHAY NI REGINE, SA 2027


Muling dumagsa ang libu-libong tagahanga ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa SM Mall of Asia (MOA) Arena nu’ng Linggo (Oct. 18) upang saksihan ang ikalawang gabi ng three-night sold-out FINALE concert nito.


Bahagi ang concert ng 40th anniversary celebration ni Regine sa entertainment industry.

Katulad ng first night, nakatanggap siya ng ilang ulit na standing ovation mula sa audience sa opening song pa lang na Narito Ako.


Kaya naman, sa second song na You Are My Song pa lang ay naiyak na si Regine. Hinayaan muna niyang kantahin ito ng mga nagmamahal sa kanya bago niya ipinagpatuloy.


Isinunod niya ang You’ve Made Me Stronger, Call Me, Araw-Gabi, Bluer Than Blue at Kung Kailan Pa.


Masuwerte naman ang mga nakapanood sa Day 2 dahil free concert ito na alay niya sa kanyang mga supporters. 


Well, marami rin ang gustong bumili ng tickets online at kahit sa mga scalper, kung mayroon ay papatusin nila.


Ang maganda pa, happy ang lahat dahil super special ang guest ni Regine. Nakasama niya ang original ka-duet na si Jose Mari Chan sa Please Be Careful With My Heart. Marami ang napa-throwback at naiyak.


Isa naman kami sa mga natuwa at naiyak nang lumabas ang mga kaibigan ni Songbird na sina Mikee Cojuangco at Donna Cruz para kantahin ang I Can at A Little Love Goes a Long Way sa Day 1.


Nag-reunion uli sina Donna, Regine at Mikee, na bumida sa hit 1996 musical comedy film na Do Re Mi na ipinalabas noong November, 1996, kaya turning 30 yrs. na ang pelikula.


Anyway, sa Day 2, ganu’n pa rin ang impact ng pagsasama ng tatlo, kaya tama ang desisyong isama ito sa three-night concert.


Ngayon lang din niya kinanta ang Isang Lahi, ang first theme song niya mula sa 1986 movie na Gabi Na, Kumander starring Phillip Salvador.


Sunud-sunod din niyang inawit ang mga theme songs mula sa kanyang mga movies na composed lahat ng asawa niyang si Ogie Alcasid. Sa dulo ay nag-duet sila sa Hanggang Ngayon.


Pagkatapos ng performance nila, buong-pagmamalaking sinabi ni Ogie na hindi siya nahirapang gawan ng theme song si Regine dahil siya ang inspirasyon nito.


Pagpapatuloy pa ni Ogie, “You are the greatest singer of this beloved country of ours.”

At kahit nag-FINALE concert na siya sa big venue, hindi naman matatapos ang pagmamahal at pagsuporta ng mga Reginians.


Samantala, binigyan din ng spotlight sa naturang concert ang DNA, isang P-pop girl group na binubuo ng mga pamangkin ni Regine. Kasama rin niyang nag-perform ang binuong banda ng anak niyang si Nate na Meet Me at the Elevator.


Hindi rin niya nakalimutang mag-alay ng kanta sa kanyang Tatay Gerry. Ito ang Leader of the Band, at muling naging emosyonal si Regine dahil nami-miss pa rin niya ang kanyang ama na 89 years old na sana kung nabubuhay pa.


Muli siyang nakatanggap ng standing ovation mula sa audience nang kantahin at ibirit ang On the Wings of Love, In Your Eyes at What Kind of Fool Am I? na posibleng huling beses na niyang kakantahin.


Bago natapos ang concert, ipinakita na magkakaroon ng documentary film tungkol sa life and legacy ni Regine na ipapalabas sa 2027.


Ang huli niyang kinanta ay Shine, na ibinirit din niya nang husto.


Natapos ang Day 2 ng FINALE sa segment na ‘Regine-oke’, kung saan inikot ni Songbird ang SM MOA Arena sakay ng isang mechanical golden bird float habang kinakanta ang medley na Dancing Queen, Dance With Me, If Ever You’re In My Arms Again at Crazy For You.


Halos lahat ng nanood ay puring-puri pa rin si Regine dahil totoong reynang-reyna at nag-iisa pa rin sa husay sa pag-awit ang Asia’s Songbird.


For sure, may matindi ring pasabog sa last night ng FINALE kagabi.


Aabangan din kung papayag ba ang mga taga-ibang lugar na hindi ma-experience ang matagumpay na concert series.


Congrats, Regine, at sa mga bumubuo ng FINALE concert series.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page