top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | April 28, 2024



EXCITING talaga ang upcoming concert ng Acoustic Icon na si Ice Seguerra ngayong May 10 and 11 sa Music Museum, ang Ice Seguerra, Videoke Hits na sigurado kaming kakantahin niya ang mga sikat na songs sa videoke.  

Nagpa-survey pa sila sa type ng fans na marinig na acoustic version ni Ice sa concert at ang lumabas sa Top 4  ay Torete, Build Me Up, Buttercup, I Love You Goodbye at You’re Still The One. 

May ibinuko naman si Ice sa kanyang wifey na si Liza Diño tungkol sa ika-apat na kanta.

Say ni Ice, “Kasi kanta ni Liza ‘yun sa ex niya.”

Dagdag pa niya, “Bukod du’n, hindi naman mawawala ang Dancing Queen, I Will Survive, Total Eclipse of the Heart at Halik. At bilang Sharonian ako, titira ako ng Bituing Walang Ningning at Sana’y Wala Nang Wakas.

“Isa sa mga favorite memories ko, birthday ko ‘yun, nagpunta kami sa resort ng barkada namin. Eh, medyo lasing na ako, hindi ko alam kung bakit napaka-emotional ko nang kinanta ko ‘yung Sana’y Wala Nang Wakas, feel na feel ko talaga.

“Umiiyak ako habang kumakanta ako, kinakantahan ko ang asawa ko. ‘Di ba ‘yung kanta, parang ang daming pinagdaraanan ng tao.  Parang feel na feel ko talaga, na ang daming sacrifices for you (Liza).  Ganu’n ako mag-videoke, fun.”

Kaya naman ipinarinig ni Ice ang acoustic version ng kanta, at tumahimik talaga ang lahat upang namnamin ang mapuso niyang pagkanta, na tiyak kaming maraming tatamaan sa manonood ng concert.

Natanong naman si Liza kung ano’ng kanta ni Ice ang kinakikiligan niya. 

Araw-Gabi talaga. Kasi si Ice, kapag kinanta niya `yun, sobrang landi. Tapos meron talaga siyang part na kapag kinanta niya ‘yung ‘nalalasing sa tuwa,’ alam mong may iniisip siya sa loob, na it’s a private thing that we have,” kuwento ni Liza at kasunod dito ay nag-sample si Ice ng naturang kanta.

Samantala, inamin ni Ice na 50 na kanta ang pinaghahandaan niya sa By Request segment na may live poll sa magaganap na 2-day concert, kaya malamang magkaibang top 3 songs, kaya kaabang-abang. 

Wala raw special guest si Ice sa Videoke Hits.

“Si Ice, may special guest? Ayaw nga niyang pakantahin ang mga guests niya. Adik, parang hindi siya naggi-gig every week.

“Ice really loves to sing. Gustung-gusto niyang pini-please ang audience niya., ‘Pag gustung-gusto niya ang audience niya, naa-appreciate siya, tuwang-tuwa siya, nabubuhayan siya, kaya umaabot ng tatlong oras ang mga shows niya,” sabi pa ni Liza.

Ini-reveal na rin ni Ice na makakasama niya si Moira dela Torre sa bagong album na may 12 original songs na ire-release sa Setyembre 2024 at malamang may birthday concert din siya.

Samantala, sa intimate birthday party namin last April 24, sobrang nakaka-touch na si Ice ang nagsimula ng videoke, kung saan kinanta niya ang The Way We Were at Evergreen ng favorite naming si Barbra Streisand na birthday nu’ng araw na ‘yun.

May bonus pa, dahil nag-duet pa sila ni Liza sa awiting Superstar ng Carpenters na fave singer din namin.  Kaya sobrang saya and memorable ang aming post 58th birthday celebration.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | March 21, 2024



Sa naging interview kay Miles Ocampo ni MJ Marfori, inamin ng bida ng Padyak Princess ng TV5 na inaayos na nila ang relasyon nila ni Elijah Canlas.


Ayon pa sa MMFF Best Supporting Actress, “Let's see, we're working on it!”


Nag-viral din pala ang video post niya na kuha sa Hong Kong kung saan may reflection daw ng isang guy at tanong ng mga netizens, ang dating boyfriend ba ito?


Sagot niya, “Hindi ‘yun si Elijah, mga kapatid at parents ko po 'yun. Family time po.”


Anyway, super react naman ang mga netizens at may kani-kanya silang komento sa napipintong balikan nina Miles at Elijah.


"It is good to hear news like this na sinusubukang ayusin ‘yung relationship lalo na kung wala namang third party involved.. 'Kakalungkot din 'yung ang daming hiwalayan news..."


Sey naman ng mga commenters na nagwi-wish, “Sana, maayos nila,” “I hope naging maayos na ang lahat,” “Such a lovely young woman. I hope they can reconcile,” “Gusto ko sila, parehong edukado at totoong may talent. Sana maayos nila.”


Ito namang isa, parang nagpaparinig sa aktres, “Obvious na mahal pa rin niya… first BF. niya raw, 'di ba?"


Pero kung may mga positibo at gusto silang magkaayos, may mga tutol naman na magkabalikan sina Miles at Elijah.


“Jusko, baka 'di naman na siya type ni Elijah. Move on na, girl.”


“I wouldn't dare to go back kaya nga past is past na.”


“Hanap ka na lang ng ibang mas worth it.”


“Dami namang lalaki, 'teh, 'wag mong sayangin sarili mo sa taong ‘yan.”


“Marupok si atihhh.”


Ang ibang netizens, nagbigay naman ng opinyon sa pag-aayos ng dalawa.


“Desperate ba si ateng? Wala na bang ibang manliligaw?"


"Hindi naman red flag si Elijah. Magaling na aktor, mabuting kapatid, at anak. Naghiwalay naman sila nang maayos at sinabi nilang pareho na mahal nila ang isa't isa kahit hiwalay na. Ang harsh n'yo kay Elijah."


Sabi ng isa pa, “Huwag na, Miles, you deserve better. You deserve better, marami pa d'yan, you're still young and talented.”


“The guy deserves someone better."


“Base sa maraming comments, HINDI SILA SWAK sa isa't isa. Hindi sila tanggap kaya 'wag nang ipilit.”


Aray ko!



 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | February 25, 2024




Hiyang-hiya at hinding-hindi raw makakalimutan ni Janice de Belen ang paghingi ng paumanhin sa kanya noon ni Sharon Cuneta dahil kay Gabby Concepcion.


Sa latest YouTube vlog ni Snooky Serna, binalikan nga ni Janice ang paghingi ng tawad sa kanya ni Sharon on national television, ganu’n din ang pagso-sorry ni Gabby nang muli silang magkatambal sa pelikulang Rosenda nu’ng 1989.


Inamin naman ng premyadong aktres, na 'first love' niya si Gabby na nu’ng 1984 ay naging asawa naman ni Sharon, nagkaroon ng anak na si KC Concepcion at alam naman ng lahat na naghiwalay din makalipas ang ilang taon.


Sa Pick A Name game ng vlog ni Snooky, ang unang pangalan na nabunot ni Janice ay si Sharon. 


Ikinuwento pa niya na dapat daw, ang ipapangalan sa kanya ng ina nu’ng ipinagbubuntis pa lang siya ay Sharon.


"Can you imagine kung nangyari ‘yun?" natatawang tugon niya.


"Hindi ko alam kung bakit last minute, napalitan."


At dito na nga niya naikuwento na nagkaroon din sila ng isyu dahil kay Gabby. 


“Siyempre, nagkaroon kami ng konting issue because of Gabby. Nu’ng natapos na rin kami ni Gabby, parang tapos na rin ‘yun.


“Pero okay naman kami. I mean, we see each other, we’re fine, we’re okay, we have no problems.


“And I remember, si Sharon actually apologized on TV, na nahiya ako kasi parang feeling ko, sobrang liit na bagay para mag-apologize siya.


“But she did apologize. Na-appreciate ko ‘yun. Pero nahiya ako doon kasi hindi ko alam kung bakit kailangan niyang mag-apologize, wala naman iyon.


“But, you know, we’re okay. We’re okay,” pagbabalik-tanaw pa ni Janice.


Hindi rin niya makalimutan ang ginawa ni Sharon nu’ng ipinagbubuntis niya si Luigi Muhlach, ang love child nila ni Aga Muhlach.


“When I was pregnant with Luigi, siguro dahil alam nga niya nu’ng time na pregnant ako ru’n sa first ko, siyempre big deal ‘yun.


“Laman ako ng lahat ng kuwentuhan ng mga Marites nu’ng time na ‘yun, pati nu’ng church, laman ako noon.


“She was very supportive. She sent me flowers and sent me a letter. So, na-appreciate ko ‘yun,” pagbabalik-tanaw pa niya.


Kasunod niyang nabunot ay si Maricel Soriano, at agad sinabi ni Janice na nasampal din siya nang bonggang-bongga ng Diamond Star sa 1988 movie nilang Babaeng Hampaslupa kung saan gumanap silang magkapatid at naging magkaribal sa isang lalaki.


Pagbabahagi naman ni Snooky, mas malala ang sampal na inabot niya kay Marya sa Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin at gumulung-gulong pa sila sa isang sementeryo.


After Sharon and Maricel, si Gabby ang nabunot ni Janice.


Nilinaw naman ni Janice na maayos ang paghihiwalay nila ni Gabby at friends pa rin sila until now.


“Alam na natin ‘yan. Eh, ‘yan naman ang first love ko, ‘di ba? It’s just nice because after all those years, Gabby and I are friends," pahayag pa ng aktres.


“Minsan pagkukuwentuhan namin 'yung past, lolokohin ko pa siya, and, you know, game na game siya.


“So, wala akong galit whatsoever kay Gabby because we're friends. Okay kami, ‘yung walang drama. May closure and we're really okay."


Dagdag pa niya, "And you know, after what happened to us when we were doing Rosenda, he apologized to me. Sabi niya sa akin, ‘Whatever hurt I caused you, I wanted to say I’m sorry.’”


“Kuya Mayor” naman ang tawag niya kay Herbert Bautista, na kasabay din niyang lumaki, pero hindi raw niya naramdaman na niligawan siya ni Bistek dahil kapatid nga ang turing niya rito.


Super proud naman si Janice sa anak nila ni John Estrada na si Kaila Estrada, na pinupuri na rin bilang baguhang aktres, lalo na sa kanyang pagganap sa Linlang na ongoing ngayon ang mas mahabang teleserye version.


"I remember, minsan napanood ko siya, sabi ko sa kanya, 'Magaling ka pala, anak?'"


Marami pang napag-usapan sina Snooky at Janice na puwedeng balik-balikan sa YouTube channel.


Samantala, malapit na rin silang mapanood sa What's Wrong with Secretary Kim? kasama ang mga bidang sina Paulo Avelino and Kim Chiu.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page