Fans, bawal mag-comment… YASSI AT GOV. LUIGI, INILANTAD NA ANG RELASYON SA PDA
ni Nitz Miralles @Bida | January 3, 2024

May relationship reveal na sina Yassi Pressman at Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte at ginawa nila ito sa New Year’s vacation nila sa Thailand at Vietnam.
Hindi rin sa salita nila inamin na sila na, kundi sa pagpi-PDA o Public Display of Affection.
Slight PDA lang naman ang ginawa nina Yassi at Luigi, yumakap lang si Yassi nang mahigpit kay Luigi.
Sa isa pang photo, hinalikan siya sa cheek ng boyfriend na nakatalikod at si Yassi ang nakaharap sa camera.
Sweet PDA naman ang isa pang photo ng couple na magkayakap lang sila na nakatingin sa camera at parehong naka-smile.
Wala nga lang makapag-comment sa relationship reveal nina Yassi at Luigi dahil limited ang puwedeng mag-comment sa comment box ni Yassi. May dalawang comments na nagsabing “Nice Gov,” “Nice one Gov” at ang nakatutuwang “Gov, uwi ka na, 'di na kami galit.”
Anyway, balitang extended ang Black Rider kung saan si Yassi ang kapareha ni Ruru Madrid. Ibig sabihin nito, matagal pa nating mapapanood si Yassi na kulot ang mahabang buhok. Matagal pa nating mapapanood ang palabang si Bane.





Comments