top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Fans, away-away na… KAMPO NI BELLE, ‘DI MA-TAKE NA SUPER CLOSE SINA DONNY AT KATHRYN

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 1, 2024
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 1, 2024





Uminit ang bangayan ng mga fans ni Kathryn Bernardo at ng DonBelle fans at maging solo fans ni Belle Mariano dahil sa may nagli-link kina Kathryn at Donny Pangilinan. 


Dahil ito sa madalas na pagkikita ng dalawa, at hindi maiwasang may kiligin at mag-wish na magkaroon sila ng project na magkasama.


Actually, nagsimula ang bardagulan ng dalawang kampo ng fans sa reception ng wedding nina Robi Domingo at Maiqui Pineda nang habang nagsasayaw si Kathryn, nilapitan siya ni Donny at in-offer-an ng drinks. Doon pa lang, may mga kinilig na at nasundan pa ng ilang beses na sightings kina Kathryn at Donny.


Ang latest nga ay sa birthday treat nina Kathryn, Donny, Jake Ejercito, Bea Alonzo, Jericho Rosales at Piolo Pascual. Masaya ang naging bonding ng grupo na nagkantahan pa at sa TikTok ni Kathryn, makikitang nasa background at nagsasayaw sina Jake at Donny.


Ang kasunod noon, nagkasagutan ang dalawang kampo ng fans at tanong ng Donbelle fans sa fans ni Kathryn, bakit daw isini-ship nila sina Donny at Kathryn gayung alam nilang girlfriend ni Donny si Belle? 


Ayaw namang maniwala ng mga fans ni Kathryn na for real ang relasyon ng DonBelle, dahil love team lang daw ang dalawa. Dito na uminit ang sagutan ng dalawang kampo ng fans.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page