Fan, pahiya… ALEX EALA, TUMANGGING MAG-AUTOGRAPH SA BANDILA NG ‘PINAS

ni Nitz Miralles @Bida | August 7, 2026

Photo: IG _alexa.eala
Nasa front page ng Washington Post (WP) ang pagkapanalo ni Alex Eala sa WTA (Women’s Tennis Association). Ang laki ng photo nito na hawak ang trophy at ang nasa background ay ang larawan ng mga Filipino na sumuporta kay Alex at may hawak na Philippine flag.
Naluha ang ibang Pinoy dahil minsan lang ma-feature sa WP ang Pilipinas at minsan lang ma-front page ang isang Pinay.
May mga kababayan tayo sa Amerika na nag-post sa Instagram (IG) ng kopya nila ng newspaper sabay sabi ng, “Because how often is a Filipino athlete on the front page of the @washingtonpost? Mabuhay ka @alex.eala.”
And speaking of Alex, extended sa Canada ang Eala Mania. Mula nang dumating siya hanggang sa practice, pinagkaguluhan siya at hindi lang mga Pinoy ang supporters niya. May mga foreigners kaming nakikita na nagpapa-autograph at kumukuha ng kanyang larawan at video.
Sold-out din ang tickets sa unang laban niya.
Sabi sa balita, “Alex Eala becomes first player since Serena to sell out opening Wednesday night at Toronto Open.”
Minuto lang ang binilang, at sold-out na agad ang tickets, at mangyayari ito sa iba pa niyang laban.
Samantala, napuri si Alex nang hindi niya pirmahan ang Philippine flag na gustong papirmahan. Sinabi niya sa kanyang supporter na bawal pirmahan ito, kaya na-educate ang hindi nakakaalam na bawal lagyan ng autograph ang bandila ng bansa.
Ganern, David?
BARBIE: FINALLY, NAGKAROON NA ‘KO NG LEADING MAN NA MAAYOS
MAY mga nag-react sa naging pahayag ni Barbie Forteza na, “Khalil is the ideal leading man. Finally, nagkaroon na ‘ko ng leading man na maayos.”
Ang tinukoy ni Barbie ay si Khalil Ramos na kapareha niya sa Saving Cherry (SC) at kasama pa rin yata sa series na Honor Thy Mother (HTM).
Ang feeling ng mga netizens, pa-shade ni Barbie kay David Licauco ang kanyang statement dahil ang aktor ang last leading man niya.
Sey ng mga netizens:
“Hahaha! Which is totoo naman, te. After Joshua Dionisio, puro pabuhat na mga lalaking ipinares ng GMA-7 kay Barbie.”
“‘Di n’yo rin s’ya masisisi, baka may na-experience s’yang ‘di maganda sa mga previous LM (leading man) n’ya kaya ganyan,”
“Aware naman siguro lahat na madalas talaga sa industriya, specifically sa love teams, hyper-carry ‘yung leading lady in terms of acting.”
May naniwala naman na hindi na dapat sinabi iyon ni Barbie lalo na’t marami silang mga fans ni David at naghihintay pa rin ang BarDa fans ng project nilang dalawa. Nagtampo na nga sa kanya ang mga fans at nagtatanong kung may galit daw ba si Barbie kay David.
Baka raw next time na magka-project uli sina Barbie at David ay magkailangan na dahil sa statement na ito ni Barbie. Nangangamba rin ang mga fans na baka hindi na gustuhin pa ni David na makapareha si Barbie.
Paano na raw ang BarDa?
STREAMING sa VMX ang Ang Modista (AM), ang comeback movie ng sexy star na si Micaella Raz. Kasama niya sa pelikula sina Kim Yashii at Mon Confiado sa direksiyon ni Ronald Batallones.
Paulit-ulit na sinabi ni Micaella na maganda ang pelikula at maganda ang kanyang role at worth it ang kanyang pagbabalik. Maniniwala kang excited siya sa movie at ramdam ito sa kanyang pagsasalita and the way she talks about the movie.
“Nadiskubre ko rito na marunong pala akong umarte, kaya proud ako. Nakatulong sa akin na binasa at pinag-aralan ko ang script, inaral ko ang mga linya ko at pati linya ng co-stars ko para mas ramdam ang emosyon. Na-challenge ako at excited na mapanood ang movie namin,” sabi ni Micaella.
Hindi rin nagpahuli si Kim, maganda rin daw ang role niya sa movie. Hindi na nito binanggit na nakipagsabayan siya ng kaseksihan kay Micaella.
Sa dami ng nagawang pelikula at maraming roles na nagampanan, hindi nasagot ni Mon ang tanong kung ano ang dream role niya. Tama rin ang sagot nito na, “Kahit anong role ang ibigay sa atin, gawin natin. Ang goal ko, magampanan nang tama emotionally at physically ang role na ibibigay sa akin,” at maraming beses na niya itong napatunayan.
Erotic-drama ang description ni Direk Ronald sa Ang Modista at ibig sabihin, hindi lang puro kaseksihan ang mapapanood. Kapag napanood ninyo ang pelikula, malalaman ang konek ng title sa story.





Comments