top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Fan naman daw ng OPM... GRETCHEN, PROUD NA JUDGE SA REALITY SINGING CONTEST KAHIT 'DI SINGER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 19, 2020
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 19, 2020




Sa panahon ng quarantine, hindi lahat ng tao ay nakalalabas ng kani-kanilang mga bahay dahil limitado ang oras sa labas bukod pa sa sobrang higpit ng health protocols na ipinatutupad sa lahat ng establisimyento at higit sa lahat, walang masyadong pampublikong sasakyan kaya ‘yung iba ay mas gusto na lang sa bahay para manood ng pelikula at makinig ng musika.


At sinang-ayunan ito ng kilalang TV host na si Gretchen Ho na isa palang panatiko ng Original Pilipino Music.


“Always been an OPM fan!” saad ni Gretchen.


Sa ginanap na virtual mediacon ng The Search for the Sound of Seven Thousand Christmas Songs handog ng 7K Sounds na isa si Gretchen sa mga hosts kasama ang frontman ng The Dawn na si Jet Pangan ay nabanggit nga ng dalaga na mahilig siya sa OPM songs.


“During the quarantine, one of the ways that we cope talaga is listening to music, eh. And sa tingin ko, as we become more creative with what we do online, dapat talaga meron diyan space for Filipino music and I think it’s high time that we dig even deeper. And we know that OPM has been on a resurges for the past years with the so many originals coming up from different artists, talagang malakas ang OPM ngayon,” pahayag ng dalaga.


Nabanggit din na bigyan ng pagkakataon at exposures sa ibang platform ang mga taga-probinsiya na may talento sa paglikha ng musika at pagkanta lalo na’t ngayong panahon ng pandemya ay halos lahat ay naka-online na.


Sobrang saya ni Gretchen na kinuha siyang host sa search for Christmas song writing contest dahil, “I’m so excited kasi OPM fan ako since I was young.”


At kapag may naririnig na bagong tunog o musika mula sa Pinoy talent ang dalaga ay parati raw niya itong ipino-post sa kanyang social media.


“I’m excited to meet and feature in my different shows, natutuwa talaga ako kapag nakakarinig ako ng tunog-Pilipino. Kaya it’s an honor to be here (as host) kahit hindi po ako singer ha, haha! I am a big fan and I can assure you na kung anuman ‘yung kanta ng mga paborito ninyong banda ay memorized ko ‘yun, ha, haha!” masayang sabi ng TV host.


Nakilala si Gretchen bilang varsity player sa volleyball ng Ateneo hanggang sa naging TV host kaya nasabi ni Jet na maraming talent ang dalaga bukod pa sa pagiging maganda nito at simple.


Ang pagkanta ang hindi kasama sa talent ni Gretchen pero marunong daw siyang tumugtog ng gitara.


Anyway, ang founder at flagship artist ng 7K Sounds na si LA Santos ang main host ng pakontes kasama sina Gretchen, vlogger na si Iman Franchesca at singer-songwriter at bokalista ng General Luna na si Nicole Asensio at ang direktor ng show ay si Alco Guerrero.


"Walang limitasyon kung sino o tagasaan ang mga sasali at kung anong klase ang musikang mayroon ka. Sana, lahat ng klaseng tunog, mai-feature natin dito sa show,” say ni Gretchen.

Samantala, walang nababalitang boyfriend ngayon si Gretchen pero itinutukso siya kay Pasig Mayor Vico Sotto nang magkasabay silang nanood ng SEA Games noong 2019.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page