top of page

Fan, kay Marites daw magtanong… KARYLLE, AYAW UMAMING BUNTIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2021
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 23, 2021



Nakakabilib ang sense of humor ng It's Showtime host na si Karylle. Imbes na magalit ay idinaan niya sa biro ang kanyang sagot when asked by a netizen kung buntis siya.


Sa post ni Karylle on her socmed account ng picture niya together with her mom na si Divine Diva Zsa Zsa Padilla habang nasa seaside ng Sofitel Hotel sa CCP Complex, may nagtanong sa comment section kung buntis daw ba si Karylle.


"Buntis na po ba si Ms. Karylle?"


Reply ni Karylle, "Pls. tag Marites for the answer, haha!"


Sa true lang, pati kami ay natawa sa reply ni Karylle. Pero ang mga Marites, ang dami nang sinabi kung buntis ba talaga ang It's Showtine host o hindi.


"Baka nga o tumaba lang siya talaga, kasi pati face niya, nagkalaman at pati ang tummy area niya.


"Malakas lang kumain si Karylle."


"Baka nagpapa-harvest pa lang kaya hindi masagot nang straight. Ganyan din hitsura 'pag nagpa-harvest, bloated sa may tummy area."


Maraming netizens naman ang nagwi-wish na sana ay buntis na talaga si Karylle.


"Matagal nang sinasabi na buntis siya, early this year, pero wala naman. 'Wag na natin silang pangunahan, if buntis, eh, di good, if hindi, eh, di hindi."


"Sobrang tagal na rin nila ng asawa niya. I hope buntis na nga. I mean I find her okay naman, though hindi kasingsikat ni Zsa Zsa, pero she's low key. Anak na lang kulang."


Pinalagan ng ilang netizens ang comment na 'anak na lang kulang.'


"So, kung walang anak, hindi kumpleto pagkatao?"


"Maraming tao na ayaw magkaanak by choice or dahil may health implications. Pero walang kulang sa kanila."


Pati si Kumareng Oprah Winfrey at ex ni Brad Pitt na si Jennifer Aniston, nadawit na rin sa usapang ito.


"I find the last line pathetic. Is having a child always required to feel complete? What would Oprah and Jen Aniston say?"


"Nagkaanak si Oprah pero ipina-adopt niya kasi she was too young and not yet ready to care for the baby, plus she was rape nu'ng early teens yata niya 'yun."


Mabuti na lang, may netizen ang nag-post ng comment at kinumpirmang buntis si Karylle.


"Yes, she is pregnant.


"Let’s pray na pregnant na nga siya at safe ang pregnancy because ang tagal na nilang nagta-try. Pero 'wag namang sabihin na mako-complete lang siya o kulang ang pagkatao niya dahil sa baby. I suffered 10 years of infertility, so please be more kind."


Agree.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page