FAITH, OKS LANG MA-BASH NG BARDA FANS
- BULGAR
- Sep 3, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | September 3, 2023

Fan ni Barbie Forteza at naging BarDa fan na rin si Faith da Silva, kaya dream come true para sa kanya ang makasama ang dalawa sa Maging Sino Ka Man. Blessing sa kanya na hindi lang si Barbie ang makatrabaho, pati na si David.
Paano kung ma-bash siya ng BarDa fans?
“Wala akong paki, basta kumikita ako, masaya ako,” pabirong sagot ni Faith na sigurado ngang maba-bash dahil ang role niya ay may gusto yata kay Carding (David).
“Si Barbie, hindi ko nakilala sa taping dahil naka-damit-panlalaki. Sabi ko pa, 'Sino ang pogi na ‘yun?' Si Barbie pala. Si David naman, ibang David ang nakita ko, bosesan pa lang, wala na, taob na sila,” dagdag ni Faith.
Si Enzo Williams ang director ng mala-pelikulang limited series ng BarDa love team.





Comments