Exempted sa height requirement ng PNP ang mga katutubo
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 24, 2021
Dear Chief Acosta,
Ako ay Aeta at ninanais kong pumasok bilang pulis. May nakapagsabi sa aking hindi diumano ako maaaring makapasok bilang pulis dahil hindi ako katangkaran. Tama ba ito? –Arnold
Dear Arnold,
Para sa inyong kaalaman, sang-ayon sa Section 2 ng Republic Act No. 11549, o mas kilala bilang “PNP, BFP, BJMP and BuCor Height Equity Act” na:
“Section 2. Section 30 of Republic Act No. 6975, as amended, is further amended to read as follows:
“SEC. 30. General Qualifications for Appointment. - No person shall be appointed as officer or member of the PNP unless he or she possesses the following minimum qualifications: xxx
(h) Must be at least one meter and fifty-seven centimeters (1.57 cm.) in height for males and one meter and fifty-two centimeters (1.52 cm.) for females: Provided, that a waiver for height requirement shall be automatically granted to applicants belonging to the cultural communities/indigenous peoples.” (Binigyang-diin)
Ibig sabihin, sa kadahilanang kayo ay miyembro ng Katutubong Aeta, kahit kayo ay hindi umabot sa 1.57 centimeters na tangkad, maaari pa rin kayong maging pulis.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments