EXCLUSIVE: ABS-CBN, 'DI BINABAWALAN ANG MGA TALENTS NA MAG-ENDORSO NG PULITIKO
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 17, 2021

Nilinaw ng ABS-CBN management na wala silang inilalabas na direktiba kung saan pinagbabawalan nila ang kanilang mga artista to campaign or endorse sinumang kandidato sa 2022 national elections.
Isang opisyal na pahayag ang ipinadala sa amin ng ABS-CBN para ipaalam sa publiko ang kanilang stand sa pag-e-endorse ng Kapamilya stars ng mga kandidato.
Narito ang kanilang official statement:
"Personal na desisyon ng artista ang pag-eendorso ng kandidato sa halalan.
"Hindi pinagbabawalan ng ABS-CBN ang sinumang artista na mag-endorse ng kandidato.
"Inirerespeto namin ang kanilang personal na paninindigan at ang pipiliin nilang suportahan."
In fairness sa ABS-CBN, sa kabila ng napakabigat at napakasakit na pinagdaanan ng biggest TV network sa bansa sa pagkaka-deny ng prangkisa sa kanila ng ilang kongresista, eh, mas pinili nila ang mag-move on nang tahimik.
At imbes na magtanim ng galit sa mga nagpahirap sa kanila, mas pinili pa rin nila na mas maging bukas at mahinahon. Hindi kasi sila benggador gaya ng iba.
Saka ang nakakabilib pa sa ABS-CBN ay 'yung paniniwala nila na ang lahat ay may kani-kanyang kalayaan to make their own choices. At 'yun ay 'di lang sa salita, kundi pati sa gawa.
May kumalat kasi na balitang binawalan daw ang Kapamilya stars na mag-endorse ng kandidato sa darating na halalan.
And for delicadeza, feeling namin ay dapat sila na mismo na mga artista ng ABS-CBN ang tumanggi na ikampanya ang mga kandidatong nagpasara sa TV network na pinagtatrabahuhan nila.
Sa true lang, hindi na sila kailangang sabihan pa ng ABS-CBN management, 'noh?





Comments