Excited na ang fans kay Alyssa Valdez sa PBB
- BULGAR
- Oct 11, 2021
- 1 min read
ni MC - @Sports | October 11, 2021

Inaabangan na ng volleyball fans ang pagpasok ng volleyball star na si Alyssa Valdez hindi sa playing court kundi bilang unang celebrity housemate na magiging bahagi ng nalalapit na “Pinoy Big Brother Kumunity.”
Pormal na ipinakilala ang sikat na volleyball player sa bansa noong Miyerkules para sa 10th season ng tanyag na reality series.
Sina Bianca Gonzales, Enchong Dee at Melai Cantiveros ang nagbahagi ng balita kay Valdez nang mag-guest ito sa Kumu habang nasa isang hotel ito at naghihintay ng medical clearance.
Hindi na rin nakatanggi si Valdez dahil susubukan niya ang bagong challenge hindi lamang sa sports na minamahal niya kundi sa loob ng "PBB" house. "One probably because I really want to explore pa and discover myself as an individual na mas malayo sa sports. Second, gusto ko ma-inspire 'yung mga kabataan natin. Makapasok man ako sa 'PBB' house 'di ko makakalimutan kung saan ako nagsimula which is volleyball," aniya nang tanggapin ang pagsabak sa reality show.
Naniniwala si Valdez na ito ang tamang panahon na lumahok sa "PBB" dahil wala naman siyang torneo sa ngayon. "This was the longest na 'di ako nagte-training talaga face to face. Hopefully marami akong matutunan dito na makakapag-strong pa ng personality ko, mas makilala ko pa sarili ko," dagdag ni Valdez.
Minsan nang nakapasok sa Bahay ni Kuya si Valdez noong 2019 nang mag-guest siya ng ilang oras upang maturuan ang teen housemates sa paglalaro ng volleyball.





Comments