Ex-PBB housemate, jackpot! SHUVEE, BAGO NI DINGDONG
- BULGAR
- 2 days ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 23, 2025
Photo File: Dingdong Dantes at Shuvee Etrata - IG
Sadyang napakasuwerte ni Shuvee Etrata dahil sa bagong serye na gagawin niya sa GMA Network ay si Dingdong Dantes ang kanyang makakapareha.
Big break ito para kay Shuvee at in demand siya ngayon sa mga endorsements. Maalagaan lang nang husto at mabigyan ng magagandang projects, sisikat pa siya nang husto at maraming Kapuso stars siyang malalagpasan.
At mukhang hindi naman lalaki ang ulo ni Shuvee kahit maging big star pa siya. Likas ang pagiging mabait at humble niya, napakanatural pa niya at down-to-earth.
Hindi kailanman pumasok sa isip niya na sikat na sikat na siya, kaya naman, marami ang natutuwa sa mga blessings at tagumpay na nakakamit ni Shuvee Etrata.
Congratulations!
Pang-sampung Best Actress trophy na para sa Balota ang napanalunan ni Marian Rivera sa katatapos na 8th EDDYS Awards na ginanap nu’ng Linggo nang gabi sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.
Pinatunayan ni Marian Rivera na isa na siyang ganap na aktres. Kinarir niya nang husto ang kanyang pagganap bilang si Teacher Emmie sa pelikulang Balota.
Matinding emosyon ang kanyang ibinigay sa kanyang role. Ito ang pinakamalaking challenge sa kanyang kakayahang umarte.
Sa tulong ng kanyang direktor at mga kasamahang artista, nai-deliver ni Marian ang napakahusay na pagganap sa pelikula.
At iniaalay ni Marian sa lahat ng guro ang Balota. Bata pa siya ay pangarap na niyang maging isang guro. Gusto pa ni Marian na gumawa ng mga makabuluhang pelikula dahil hamon ito sa kakayahan niyang umarte.
Ngayon, hindi lang Primetime Queen sa telebisyon ang kanyang titulo, Best Actress na siya ngayon at level-up na ang kanyang career.
Proud naman si Dingdong Dantes sa tagumpay ng kanyang wifey. Alam niya na malawak pa ang kayang gawin ng isang Marian Rivera.
Na-link din kay Sanya… MAYOR MARK, HABANG NANLILIGAW KAY KATHRYN, SI MIKA REYES ANG KASAMA SA MGA EVENTS
HINDI lang pala ang Kapuso actress na si Ashley Ortega ang naging GF ni Lucena Mayor Mark Alcala. Bago si Ashley ay nakarelasyon din ni Mark ang volleyball player na si Mika Reyes.
At noong nagsisimula na raw itong manligaw kay Kathryn Bernardo last March 2025 ay nakikita pa rin na magkasama sila ni Mika sa ilang events.
May ilang nagsasabi rin na naging malapit si Mayor Mark sa Kapuso actress na si Sanya Lopez. Hindi lang ito nabigyan ng pansin ng entertainment press.
Ngayong lantad na sa publiko ang diumano’y pagbabakasyon ni Kathryn Bernardo sa Australia kasama si Mayor Alcala, nag-aalala ang mga fans ng aktres dahil baka raw ginagamit lang siya nito lalo't may ‘chickboy’ image ang alkalde.
Comments