top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ex PBA-MVP, hindi totoong taxi driver; Eala, lalaban sa Wimbledon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 6, 2021
  • 1 min read

ni MC - @Sports | July 06, 2021



Muli na namang lumalabas ang balita na namamasada na lang ng taxi si dating PBA MVP Willie Miller. Ang totoo niyan si Miller ay nagmamay-ari ng ilang units ng taxi na nakiki-franchise sa iba't Ibang kumpanya tulad kina Marlou Aquino at Bal David na pawang may mga taxi rin. Kapag walang ginagawa ang tubong Olongapo City ay nakakatuwaan nitong ipasada ang kanyang taxi lalo na kapag bakante ito at walang driver.


Ngunit hindi lumalayo sa kanilang lugar si Miller sa bandang Las Pinas. Nang magretiro sa paglalaro ang dating Letran knights player ay may sapat na itong naipon. Katunayan mayroong pagawaan ng Jersey, T-shirt si Miller, T-shirt at iba pa sa Gapo. Saka may negosyo sila ng dati niyang teammates na si Kerby Raymundo. Alam ng batang Gapo na hindi habang buhay ang basketball kaya di siya naglustay ng pera. Bagkus ay nag-ipon para kanyang pamilya.


Samantala, sisimulan na ni Filipina tennis sensation Alex Eala ang kampanya para masungkit ang ikatlong niyang Grand Slam crown sa inaabangang debut niya sa Wimbledon juniors championships sa London. Masusubok ang tikas ni Eala sa unang laro nito kontra kay 17-year-old Solana Sierra ng Argentina, ang ITF Juniors No. 38 na may tatlong titulo sa kanyang solid resume. Paboritong manalo ang 16-year-old tennis ace sa 64 best junior players, na hawak ang No. 2 seed kasunod ni world No. 1 at Wimbledon top-seed Victoria Jimenez Kasintseva ng Andorra. Kagagaling lang ni Eala sa quarterfinal finish sa J1 Roehampton tune-up tourney – ang una nitong grass-court tournament bago sumabak sa tunay na hostilidad sa makasaysayang London grass.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page