top of page
Search
BULGAR

Ex-P-Duterte, nagpakita sa Senado, may “balls”!

ni Ka Ambo @Bistado | Nov. 1, 2024



Bistado ni Ka Ambo

Nagpakita si ex-PRRD sa Senate hearing.


Iyan ang may “balls”!


---$$$--


IPINAMALAS ni Digong ang kanyang disposisyon.

Isang aktuwal na eksampol ito kung ano ang depinisyon ng disposisyon.


-----$$$--


MALINAW na ang kanyang desisyon ay orihinal at nagmula sa sarili niyang kamalayan at kaisipan.


Hindi idinidikta ng sinuman ang kanyang mga desisyon — at walang umiimpluwensya.


----$$$--


ANG tinatalakay at ipinaliliwanag ay tungkol sa depinisyon — hindi kasama rito kung “tama o mali” ang kanyang desisyon.


Ang pagiging “tama o mali” ay nakadepende sa moralidad, tradisyon at aktuwal na hudikatura o hukuman.


----$$$--


NAPAKAHALAGA sa isang lider na mayroong disposisyon.


Kakaunti ang nakakaintindi nito, pero nauunawaan ito ng mga mahistrado.


----$$$--


WALANG banal sa lupa, lahat ng tao — makasalanan!

Ang kasalanan o paglabag sa batas ng tao at sa Diyos — ay nakabatay sa itinakdang testament o batas.


Pero, kung walang espisipikong testament o batas, ang mali at tama ay nakabatay din sa moralidad, tradisyon o nakamihasnang sosyedad o relihiyon o sekta.


----$$$--


ISANG halimbawa, ang diborsyo at pag-aasawa ng higit sa isa — labag sa Konstitusyon.


Pero, kung ito ang nakamihasnan o ng moral at tradisyon — walang nalalabag na batas.


----$$$--


MALINAW ang disposisyon ni Digong.

Malinaw din ang depinisyon niya ng karapatang pantao.


Para kay Digong, may karapatan ang lahat ng tao na mabuhay nang maayos at ligtas sa panganib mula sa krimen na ginagawa ng mga adik at drug pusher.


----$$$-


PAREHO lang may “karapatang mabuhay” ang mga biktima ng pagpatay sa kampanya kontra droga, at maging ang biktima ng mga pusher at adik.

Malaking debate ‘yan sa mga barberya, chat group hanggang sa hukuman.


-----$$$--


MAHALAGANG maunawaan ng mga mambabatas partikular sa Kongreso kung ano ang espisipikong depinisyon ng “human rights”.


Naiimpluwensyahan kasi ng mga “dayuhan” ang tunay na depinisyon ng “human rights” upang guluhin ang mga umiiral na gobyerno.


----$$$--


GAYUNMAN, ang Korte Suprema lamang ay ang makakapaglinaw kung ano ba ang depinisyon ng human rights.


Para lamang ba ito sa biktima ng mga otoridad o ito ay para rin sa karapatan ng bawat nilalang laban sa mga kriminal?


----$$$--


NAKAPAGTATAKANG maging ang mga kapanalig ni Digong ay nahihirapang unawain ang kanyang disposisyon.


Hindi kasi ito isang ordinaryong sitwasyon at desisyon.


----$$$--


Sa aktuwal, hindi ang human rights ang tunay na isyu, bagkus ay ang proseso kung paano mabilis na masusugpo ang kriminalidad at mabigyan agad ng “katarungan ang mga biktima” ng pagpatay — elemento man ng gobyerno o sibilyan ang mga suspek!


Sa totoo lang, iyan ay isang maselang palaisipan — walang isang tumpak na kasagutan!

 

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page