top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Ex Olympians Serantes at Velasco siblings, umakyat sa Hall of Fame 2021

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 7, 2020
  • 2 min read

ni VA - @Sports | December 7, 2020



Pasok na sina Filipino amateur boxers at Olympic medalists Leopoldo Serantes at ang magkapatid na Roel at Mansueto Velasco Jr. para sa Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) sa 2021.


Ito ang inanunsiyo ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez noong nakaraang Biyernes. Kaugnay ito ng naging adoption ng PSHOF Review Committee sa resolusyon na awtomatikong nagbibigay ng slot sa mga Olympic medalists ng bansa sa talaan ng mga inductees. "Achieving a medal from the most prestigious games in history is something worth recognizing for a lifetime. They deserve it even without the process of someone voluntarily proving it for them," pahayag ni Ramirez na tinutukoy ang tatlong dating mga light flyweight bets. Si Serrantes na ngayo'y 58-anyos na ay nagwagi ng bronze medal noong 1988 Seoul Olympics kung saan tinalo nito sina Moustafa Hassan Esmail ng Egypt sa Round of 32 ,Samuel Stewart ng Liberia sa Round of 16 at sa Morocco pug na si Mahjoub M'jirih sa quarterfinals bago nabigo kay eventual gold medalist Ivailo Hristov ng Bulgaria sa semifinals. Ang panalo ni Serantes ang tumapos sa 24 na taong Olympic medal drought ng bansa pagkaraang magwagi ni Hall of Fame inductee Anthony Villanueva ng silver medal noong 1964. Pagkalipas ng apat na taon ay nagwagi din ng bronze medal para sa bansa si Roel Velasco sa 1992 Barcelona Olympics matapos gapiin sina James Wanene ng Kenya sa Round of 32.


Ang panalo ni Roel ay sinundan ng kanyang nakababatang kapatid na si Mansueto o mas kilala bilang si Onyok nang manalo ito ng silver medal sa 1996 Atlanta Olympics. Iginupo ni Onyok sina Chih-Hsiu Tsai ng Taiwan sa Round of 32, Yosvani Aguilera ng Cuba sa Round of 16, Hamid Berhili ng Morocco sa quarterfinals ~at Rafael Lozano ng Spain sa semis. Natapos ang kanyang kampanya sa kontrobersiyal na pagkatalo kay Daniel Petrov ng Bulgaria sa finals dahil maraming naniniwala na dapat nakamit na ni Onyok noon ang pinakamimithing unang Olympic gold ng bansa.


Sa ngayon ay may kabuuang 37 mga dating atleta na ang naluklok sa PSHOF mula ng maitatag ito sa bisa ng Republic Act 8757 noong 2010. Samantala, ang nominasyon para sa ika-4 na batch ng PSHOF ay extended hanggang Enero 31, 2021.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page