top of page
Search
  • BULGAR

Ex ni John Lloyd, ayaw daw maging kabit…

PAMILYADONG AKTOR-PULITIKO, GUSTONG MAKAISA, BASTED KAY ELLEN

ni Melba R. Llanera - @Insider | January 6, 2021




Mukhang tuluy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz ni Ellen Adarna dahil kahapon, January 5, ang unang taping day ng sitcom na pagbibidahan nila ni John Estrada, ang John En Ellen. Mapapanood ito sa Tv5 simula sa January 17 sa ilalim ng direksiyon ni Direk Willy Cuevas, prodyus ng Icthus Production na pag-aari ni John.


Hango ito sa sikat na sitcom na John En Marsha na pinasikat nina Dolphy at Nida Blanca. Iniba lang ang apelyido nila kung saan mula sa Puruntong ay Kulantong naman ang ginamit na apelyido ng pamilya nina John at Ellen.


Magtatagal ang locked-in taping hanggang January 9, kung saan kukunan ang lahat ng mga eksena sa isang mansion sa Antipolo.

Sumailalim sa swab testing ang lahat ng crew at cast nu'ng January 3 kung saan nu'ng araw ding 'yun ay nagkaroon ng friendly lunch naman sina Ellen at John sa isang restaurant sa Global City para magkakilanlan at maging komportable sa isa't isa.


Nagkaroon naman ng welcome dinner ang lahat ng crew, staff at mga artista ng sitcom para makilala ang bawat isa.

Isa sa mga isyung inaabangan ng marami ay kung mali-link daw kaya sa isa't isa sina Ellen at John lalo't madalas silang magkakasama. Ito ay sa kabila na masaya si John sa buhay-may-asawa sa piling ni Priscilla Meirelles, habang may anak naman si Ellen sa aktor na si John Lloyd Cruz.


Pero bago pa man magkaroon ng mga isyu, inunahan na ni Ellen ang mga mang-iintriga sa kanila ni John at sinabing 'di siya pumapatol sa mga may-sabit o may pananagutan na sa buhay. Patunay daw nito ay ang pagbasted ni Ellen sa isang actor-politician na nagbalak na dumiskarte sa aktres sa kabila ng pagiging pamilyado nang tao.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page