top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Ex ni Aljur, single raw pero… KYLIE AT JAK, TODO-HOLDING HANDS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 24, 2026



BIDA - KYLIE AT JAK, TODO-HOLDING HANDS-IG _jakroberto & _kylienicolepadilla

Photo: IG _jakroberto & _kylienicolepadilla



Mas sweet talaga sina Kylie Padilla at Jak Roberto off-cam kesa sa mga interviews sa kanila. 


Sa mediacon ng Taskforce Firewall (TF), hindi sila kinakitaan ng katiting na sweetness. In fact, hindi rin sila na-interview tungkol sa isyu na may special relationship sila batay na rin sa kanilang mga kilos sa mga naa-upload na mga reels.


Sa latest na napanood namin at base sa photo, nasa set ng kanilang series ang dalawa, magkatabi ng upuan at nagkukuwentuhan siguro habang naghihintay ng kanilang eksena. Black and white ang photo, pero kita pa rin na magkadikit ang kanilang braso. 


Comment ng fan, lumaktaw ang braso ng aktor at umabot sa tabi ng braso ni Kylie.

Sa reels, naka-posas ang mga kamay nina Jak at Kylie (JakLie), kaya hindi maiwasan na sila ay mag-holding hands. Hindi nabanggit kung sinadya bang iposas ang mga kamay ng dalawa at kung sino ang gumawa nito, pero ang JakLie fans, kilig na kilig.


Ang wish nila, sana ay sina Kylie at Jak ang magkapareha sa TF para laging sila ang magkaeksena. Kaya lang, si Miguel Tanfelix ang ka-partner ng aktres at ito ang madalas niyang kaeksena.


Dahil pala sa sweetness at pagpi-PDA (personal display of affection) nina Kylie at Jak, ayaw maniwala ng mga fans sa sinasabi ni Kylie na single siya at ine-enjoy ito. Hindi naman nakausap si Jak sa mediacon tungkol sa aktres dahil nagmamadali at may hahabulin daw. 


Si Kylie Padilla kaya ang hinabol nito dahil naunang umalis?

Anyway, ang Taskforce Firewall ay mula sa direksiyon ni Rico Gutierrez at associate director si Mark Kevin de Vela.





MARAMI na ang excited sa movie nina Maricel Soriano at Bela Padilla na Life After You (LAY), at kahit clip sa shooting pa lang ang ipinakita, gusto nang mapanood ng mga fans. 


Tinawag na ‘Drama Movie of the Year’ ang nabanggit na pelikula ng Viva Films at tiniyak na intense drama ito.


Post ni Bela sa X (dating Twitter), “The way that I love this woman,” sabay post ng short clip ng eksena nilang dalawa. 


Parang mag-ina ang role nina Bela at Maricel sa movie, nagka-clash dahil yata sa anak ni Bela na apo ng karakter ni Maricel.


Samantala, may nag-suggest pala kay Bela na ibahin naman niya ang hitsura niya sa movie, lalo na ang hairstyle niya. Magpa-short hair daw siya o kaya ay mag-bangs para maiba lang ang datingan niya.


Sagot ni Bela, “Sa true!!! Kung walang kasabay, gusto ko sana magpagupit.” 

Kaso nga, magiging problema ang continuity dahil ginagawa ni Bela Padilla ang Blood vs. Duty (BVD).





Nagpunta pa raw sa HK…

CRISTINE, PANTULOG ANG SUOT SA PROPOSAL NG BF, INOKRAY



PINUNA ang suot ni Cristine Reyes sa photos na in-announce nito ang engagement nila ni Atty. Gio Tingson. Hindi raw bagay sa special occasion ang suot niya na mala-lingerie. Pati ang sandals na suot ni Cristine, pinuna rin at hindi raw pang-announce ng engagement.


Dumayo pa raw ang engaged couple sa Hong Kong para ru’n ipaalam na engaged na sila. Sana raw ay nagbihis ng mas espesyal ang aktres dahil espesyal na okasyon ang in-announce niya.


Kahit may nagsabing uso ngayon ang mala-lingerie na suot ni Cristine, ayaw pa rin siyang patawarin ng iba. 





On the other hand, pinuri rin ng ilan ang kasimplehan ng engagement announcement. Kung iba raw, sana ay ginawang malaking event at espesyal ang venue. Pero sina Cristine at Gio, sa gilid-gilid ng Hong Kong nag-photoshoot at hindi man lang sa restaurant.


Anyway, masaya ang mga netizens sa bagong pag-ibig ni Cristine at naghihintay sila sa wedding. Sana raw ay hindi ganito kasimple ang maging kasal ng dalawa dahil deserve ni Cristine Reyes ang isang espesyal na wedding day.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page