top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Ex ng misis na si Sharon, bully daw… SEN. KIKO KAY SEN. ROBIN: ‘DI UUBRA ANG PASIGA-SIGA SA AKIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 14, 2026



SPECIAL - SEN. KIKO KAY SEN. ROBIN ‘DI UUBRA ANG PASIGA-SIGA SA AKIN-FB Robin Padilla & Kiko Pangilinan

Photo: FB Robin Padilla & Kiko Pangilinan



Hindi tinanggap ni Sen. Robin Padilla ang pakikipagkamay ng kapwa senador na si Sen. Kiko Pangilinan matapos makapagtaas ng boses ang mister ni Megastar Sharon Cuneta sa ex-BF ng singer-actress sa ginanap na sesyon sa Senado nu’ng Martes.


Gustong magsampa ng reklamo ni Sen. Robin sa Ethics Committee ng Senado dahil hindi raw puwedeng basta na lang sigaw-sigawan ang isang Muslim na senador na tulad niya ng kapwa niya mambabatas.


Sumagot naman si Sen. Kiko sa kanyang Facebook post at aniya, huwag maging balat-sibuyas si Sen. Robin.


Ani Sen. Kiko, “Walang legal na basehan at walang kwenta ang ethics case complaint na ‘yan. Hintayin na lang natin ‘yung reklamo niya.”


Dagdag pa niyang hindi nasindak sa bantang pagsasampa ng reklamo sa kanya, “Kung sakali man, sasagutin ko ng kontra-reklamo sa Ethics Committee sa kanyang paglabag sa parliamentary rules at pagiging out of order at sa kawalan ng proper decorum, ang pagbabanta sa akin, pananakot at paninindak sa akin sa plenary session kanina habang naka recess. 


“Hindi uubra ang pambu-bully at pasiga-siga sa akin. Mas may basehang kasuhan ‘yang pasiga-siga, pambabastos at at ang kawalan ng proper decorum sa kapwa senador sa Senado. Lahat on record.”


Sinabi rin ng mister ni Sharon na ayaw niya ng away dahil hindi siya pala-away.

“Pero hindi ko aatrasan ang sinuman kung ang gusto ay ganitong walang kwentang kasuhan,” sagot ni Sen. Kiko.


Oh, ‘di ba, parehong palaban?! 

Ano naman kaya’ng reaksiyon ni Ate Shawie sa away ng mister at ex-BF niya? Hahahaha!





Dating mag-BFF, war na ngayon… 

ROB SY, UMAMING NABU-BULLY DIN ANG 8-ANYOS NA ANAK DAHIL SA DEMANDA NI ALFRED AT NG MISIS



Rob Sy


Ayaw magsalita nu’ng una ni Rob Sy nang hingan namin ng update tungkol sa isinampang kaso sa kanila ng live-in partner niya ng mag-asawang Konsehal Alfred Vargas at Yasmine Espiritu dahil sa umano’y pambu-bully ng 8-year-old nilang anak sa kaedad din nitong anak namang lalaki nina Alfred at Yasmine.


Nakausap namin si Rob sa storycon ng uumpisahan palang na i-shoot na movie ni Direk Jose “JR” Olinares, Jr. na Roots of Contagion.


Isa si Rob sa cast ng psychological/suspense horror, thriller movie na pagbibidahan nina Kate Yalung, John Arcenas, Althea Ablan at Abdul Rahman, kasama ang mga supporting stars na sina Jeffrey Santos, Dindo Arroyo, Lovely Rivero, Sharmaine Suarez, Ramon Christopher Gutierrez at Valerie Concepcion.

Simula ni Rob, ayaw na niyang magbigay ng detalye kung ano ang pinag-ugatan ng kaso dahil nasa korte na ito at nakapagbigay na rin sila ng kanilang panig o salaysay, bagama’t hindi pa raw sila umaabot nina Konsehal Alfred sa mediation o arbitration.


Pero kinumpirma niya na open sila ng kanyang live-in partner sa pakikipag-ayos dahil inamin ni Rob na bago pa ang pagsasampa ng kaso ng mag-asawang Vargas ay nagsimula naman pala silang magkakaibigan.


Mula raw nang magsimula ang kani-kanilang anak sa pag-aaral ng swimming ay magkakaibigan na sila. In fact, kapag nagkikita nga raw sila ni Alfred, “Brother” pa ang tawagan nila at ipinagmamalaki rin daw ng konsehal sa ibang kakilala nila na paborito siya nito bilang kaibigan.


Ninang din daw ng isang anak nina Alfred at Yasmine ang live-in partner niya, patunay kung gaano sila ka-close noon.


Kaya masakit din daw sa kanya ang nangyari, na hindi naman daw maikuwento pa sa amin ni Rob kung ano talaga ang totoong naganap kaya umabot sa demandahan dahil nasa korte na nga ito ngayon.


Basta ipinagdarasal na lang daw niya na matapos na ito dahil hindi rin madali ang pinagdaraanan ng kanyang pamilya, kung saan maging ang kanyang 8-year-old na anak ay nabu-bully din kapag nasa public place sila tulad kapag nagsisimba dahil may mga nakakakilala sa kanya at itinuturo ang kanyang anak na siya diumanong nang-bully sa anak ni Konsehal Alfred.


Nagpapasalamat na lang si Rob Sy dahil sa kabila ng isinampa sa kanyang kaso, hindi naman naaapektuhan ang kanyang showbiz career. May mga patuloy pa ring nagtitiwala sa kanya tulad ni Direk JR Olinares na isinama nga siya rito sa Roots of Contagion.


Ang Roots of Contagion ay isang advocacy film na produced ng Letran Calamba na tungkol sa mysterious botanical threat at sa "chilling conspiracy" na tumatalakay sa risk sa public health and hygiene.


Nakatakda itong ipalabas sa September 30 at may premiere night daw sa Sept. 26. 





BLUE DREAMERS PH, DREAM MAGING GLOBAL PERFORMERS



  • Blue Dreamers PH


Ang mga hindi magandang karanasan sa buhay na nagtulak sa kanila para mangarap ang dahilan kaya Blue Dreamers PH ang itinawag sa grupo ng mga kabataang binubuo ng 5 miyembro – ang kambal na sina Xanxan at Jairex (18 yrs. old), ang parehong 17-year-old na sina Jarred at Zhian at ang only girl na si Shayne (21 yrs. old).


Nu’ng June 2025 pa unang ini-launch ang grupo na pare-parehong marunong kumanta at sumayaw. Nabuo ang grupo mula sa audition sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. 

Sa dinami-dami ng nag-audition, ang 5 ang napili matapos silang itira sa isang bahay na mala-PBB house kung saan sinanay sila sa pagkanta, pagsasayaw, pag-arte at pagmo-model.


No wonder na nang iharap sa entertainment press ang Blue Dreamers PH ay magagaling na silang mag-perform at puwede nang maipagmalaki at ilaban kahit sa global market.


Maging ang mga hitsura nila na may appeal na hindi purong Pinoy kundi may pagka-Chinese ay pak na pak at tiyak na malakas din ang dating sa mga fans.


Ngayon pa lang, tinitiyak na ng Blue Dreamers PH na career ang priority nila at desidido silang sumikat hindi lang dito sa atin kundi maging globally dahil ayon sa kanilang manager, bawal muna sa kanila ang love life para hindi masira ang kanilang career.

Sa ngayon, patuloy nilang ipinakikilala at ipino-promote ang kanilang mga kantang Lowkey Tayo at Dance Tayo (ft. Blue Dreamers Boys) at 912 Hours Journey (ft. Shayne Monreal at Zhian Mendaza).


Available na ang Lowkey Tayo sa lahat ng streaming platforms worldwide. Distributed ito ng Artist Central Music at ang lyrics and music ay mula kay Marko Jhon Gutierrez.

5 Comments


Sam Tan
Sam Tan
May 16

Grabe namang fake news yan. ngayon paawa effect na kayong dalawa ng live in partner mo Rob Sy. Anong nakikipag ayos ka sa kay Sir Alfredat Ma'am Yasmine, sa tingin nyo ba aabot ng demandahan kung nakipag ayos kayo?, e ni hindi nga kayo nakikipag usap sa kanila e, tapos sasabihon nyo nganon anak nyo na bully. Masyado nyo lang tino- tolerate anak nyo.

Edited
Like

Tommy Navarro
Tommy Navarro
May 15

Ahhh talaga bang open si Rob Sy at ng live-in partner nya sa pakikipag-ayos?? eh, di naman aabot sa demandahan kung maayos lang kausap, lumala pa nga ang sitwasyon, haha lakas pa ng live-in partner nya noon mag post sa soc-med, at nadamay pa ang isang Anak ni Alfred Vargas,ngayong nasa korte na ang reklamo biglang naalala na magkaibigan sila?na kung gaano sila ka close noon? Ano Yun para maiurong ang kaso?? Haha.

Sana nga ma sampolan para naman maging aral talaga to sa mga magulang na nangungunsinti ng mga anak na bully.

Like

reizaya80
May 15

Ang ironic lang basahin na sinasabing nitong si rob sy na close sila noon at open sa pakikipag-ayos, pero mukhang hindi naman naging ganun kadali makipag-usap sa kanila nung may chance ayusin privately. 😅


Reminder na rin na malaking factor talaga ang pagpapalaki sa bahay kasi kung maayos ang disiplina at values na nakikita ng bata sa loob ng pamilya, mas malaki chance na hindi sila lumaking may ganitong asal or behavior na nakakasakit ng iba.

Like

Anne Dy
Anne Dy
May 15

Paawa effect na ....Close pala sila kila Sir Alfred? Pero bakit nung nag-reach out yung mag-asawa para maayos sana, ayaw naman makipag-usap? Tapos grabe pa ang paninira sa socmed ng partner niya.


Too late na para sa pakikipag-ayos kasi the damage has already been done. Ang daming parinig sa social media, pati mga friends ng partner nakikisawsaw din.

As parents, mas importante maging good example sa anak. Huwag i-tolerate ang bullying, disiplinahin habang bata pa para lumaking may respeto at tamang asal.

Edited
Like

Aishiteru Ryu
Aishiteru Ryu
May 15

hahaha patawa tong Rob Sy. Akala ko ba maangas tong mga to? Yung live-in partner mo kung magkalat ng kwento wagas. Ngayon biglang gusto mong makipag-areglo kay Alfred Vargas matapos nyo silang gawan ng isyu? Dinamay pa ng bakulaw mong live-in yung isa pang anak. Samantalang noong kinakausap kayo tungkol sa anak nyong bully, bingi-bingihan kayo. Nasaan na ang tapang mo ngayon lalo na yang live-in partner mong pavictim, Rob Sy, ngayong posibleng kulungan ang kahihinatnan ninyo, open na kayong makipag areglo?

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page