Ex-mister, ‘di na kayang maging friend, Jodi… CLAUDINE: BAGONG GF NI RAYMART, BAD INFLUENCE
- BULGAR
- Nov 17, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | November 17, 2023

Nahaluan ng nega ang pagpo-promote ni Claudine Barretto ng bago niyang teleserye sa GMA-7, ang Lovers/Liars.
Sa mediacon kasi ng serye, natanong ni Dondon Sermino kung posible ba silang maging magkaibigan ni Raymart Santiago.
Sagot ni Claudine, “Dati, oo, meron. Pero sa bagong relationship niya, hindi possible. Kasi hindi maganda 'yung influence sa kanya compared sa isa.”
Walang binanggit na pangalan si Claudine, pero alam nating lahat na si Jodi Sta. Maria ang karelasyon ni Raymart ngayon.
Kung babasahin ang feedback ng mga netizens sa pahayag ni Claudine, nabahiran daw ng nega vibes ang promo ng Lovers/Liars na sana raw, hindi na isinali ang ‘karelasyon’ ni Raymart. Sana raw, nag-promote na lang siya ng comeback series niya.
Pinagkumpara tuloy sina Claudine at Jodi bilang aktres at nanay na hindi dapat dahil pareho silang mabuting ina at aktres at itinataguyod ang kanilang mga anak.
Very proud nga si Claudine na ibinalitang sa UP pumapasok si Sabina at sa Brent naman si Santino, pero nabahiran ng kanegahan dahil sa sagot niya.
Anyway, may love scene at kissing scene si Claudine kay Yasser Marta sa series at nang tanungin ni Director Crisanto Aquino kung may limitasyon siya in doing these scenes, wala raw.
“Wala akong limitation at gagawin ko lahat, kung ano ang gusto ni direk. After seven years, ngayon lang uli ako gagawa ng teleserye. Ibibigay ko ang 101 percent o 1 million percent ko, I will be giving my best,” pangako ni Claudine.




Comments