Ex-misis ni Richard, takot maintriga… ELLEN, NIYAYA SI SARAH NA MAG-PODCAST, TINANGGIHAN, SOPLA

ni Nitz Miralles @Bida | October 21, 2026

Photo: IG @maria.elena.adarna
Protective ang mga fans ni Sarah Lahbati sa kanya. Ayaw nilang magkaroon ito ng podcast kasama si Ellen Adarna. Magugulo raw ang buhay ng dating misis ni Richard Gutierrez kapag may podcast ito at si Ellen pa ang kasama, na kilala sa pagiging controversial at mahilig mag-prank.
Tinanong ni Ellen si Sarah ng “Should we have a podcast @sarahlahbati?!!!”
Sagot ni Sarah, “I like my peace,” na ang dating ay hindi siya payag sa suggestion ni Ellen.
Lalo pang natakot ang mga fans para sa kanya sa sinabi ni Ellen na, “@sarahlahbati no, Sarah. I want explicit version. Hahaha! The version I know and love. Hahaha!”
Sabi ng mga fans ni Sarah, “Probably not a good idea,” at “Marami ang mati-trigger, intriga lang ‘yan.”
Kaya lang, mas marami ang pabor na magkaroon sila ng podcast at isama pa raw nila si Beauty Gonzalez para mas masaya. Kilala rin kasi ang aktres sa pagiging prangka at marami rin itong maise-share sa dalawa.
“I want the angel and devil version podcast,” “I will watch/listen weekly,” “OMG!!! Please do! Love the upfront and with classy chika,” “Yes, kahit 1 episode lang na all-out, sapat na ‘yun,” “A drunk Q&A podcast would break Philippine internet,” “Yes, no-filter podcast, ang mapikon after podcast, talo,” “Yes, umay na kami sa mga pa-tweetams sa Philippine showbiz,” at “Yes, madam, please. First topic ay toxic ex-husbands.”
Sey ng mga fans, sana ay hindi tigilan ni Ellen si Sarah para kumbinsihing magkaroon sila ng podcast. Inaabangan na raw nila ito at may mga suggested topics na.





Comments