top of page
Donny Pangilinan - IG.jpg

Na-sepanx nang magbalik-‘Pinas… ALDEN, BINISITA ANG UTOL SA US, LALONG NA-REALIZE ANG HALAGA NG PAMILYA

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
3 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | October 22, 2026



FRANKLY - ALDEN, BINISITA ANG UTOL SA US, LALONG NA-REALIZE ANG HALAGA NG PAMILYA_IG _aldenrichards02

Photo: IG _aldenrichards02



Hindi napigilan ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards na maging sentimental matapos ang ilang araw na bonding nila ng kanyang nakatatandang kapatid na nakabase sa United States (US). 


Nagtungo kamakailan sa Las Vegas, Nevada ang Kapuso actor para mag-perform sa Pinoy Fiesta kasama sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Boobay at Ai Ai delas Alas. 

After the show, nag-side trip si Alden sa San Francisco para bisitahin ang kanyang kuya at magkaroon sila ng quality time together.


Sa panayam sa 24-Oras, ikinuwento ng aktor ang mga simpleng bonding moments nila ng kanyang kapatid, na naging espesyal para sa kanya.


“Nag-hike kami. Nag-date kami sa park, kaming dalawa lang. We were just catching up sa life, basically,” kuwento ni Alden.


Sey ng aktor, masayang-masaya siya na nakasama niya ang kapatid kahit ilang araw lang. Kaya nga nang paalis na siya ay na-sepanx (separation anxiety) siya.


“And I appreciated that kasi I never knew that we are capable of those kinds of moments, eh. Kasi growing up, ‘di kami showy. ‘Di kami clingy sa isa’t isa, so talagang na-appreciate ko ‘yung moment na ‘yun.


“That’s why, medyo may sepanx konti, lungkot konti,” aniya (as is).


Para kay Alden, sobrang naging memorable sa kanya ang US trip na ito at ngayon niya mas lalong na-realize ang kahalagahan ng pamilya.


“I think this US trip has done me good in so many ways, and parang it made me treasure family more. Like family moments. Siguro, ganu’n ‘pag tumatanda na talaga, ‘noh? Nagiging sentimental na.


“But iba, kahit short trip lang, punumpuno s’ya ng fun, love and you know, shared moments together,” sey ng aktor.


Pagbalik sa ‘Pinas ay diretso taping na si Alden sa bago niyang seryeng Code Gray sa Kapuso Network at na-miss nga raw niya agad ang kanyang mga kasamahan.





BAGONG era na ang hatid ni Asia’s Superstar Kathryn Bernardo sa hit Kapamilya teleserye na Someone, Someday as her character, Billy, embraces a fiercer and more fearless side of herself.


Sa bagong poster na inilabas para sa show, tampok si Kathryn sa striking black-and-white portraits na nagpapakita ng iba’t ibang emosyon ni Billy habang hinaharap ang isang malaking turning point sa kanyang buhay.


This time, hindi na basta-basta magpapadala si Billy. Determinado siyang ipaglaban ang hustisya at handang harapin ang sinumang humadlang sa kanyang misyon. Mas magiging intense ang mga susunod na episodes habang patuloy niyang hinaharap ang financial troubles ng kanyang kumpanya na LoveList. 


Sa kabila ng mga problemang ito, hindi niya bibitawan ang kanyang paghahanap ng hustisya para sa mga maling ginawa ni Bea, na ginagampanan ni Maja Salvador, laban sa kanyang pamilya.


Mas nagiging complicated ang kanilang sitwasyon dahil natuklasang magkapatid sina Billy at Bea. 


Pero ang tanong ng maraming fans ng serye ay kung kailan ba talaga magkakaroon ng lakas ng loob si Jordan (James Reid) na sabihin kay Billy na mahal niya ito nang higit pa sa kaibigan? 


In fairness, ang daming kinikilig sa mga eksena ni James na laging nandiyan sa tabi ni Billy at patuloy na nagmamahal.


Puring-puri rin ng mga manonood ang bardagulan sa acting nina Maja and Kathryn, as in wagas na kabugan talaga.


Sey nga ni Kath sa isang interview, isa sa mga eksena nilang kinabahan siya talaga ay ang kanilang sampalan.


“Parang sinabi n’ya (Maja), ‘‘Wag mong inaalalayan ‘yung sampal. Gawin mo ‘yung kailangan sa scene,’” sey ni Kathryn.


Sabi naman ni Maja about her co-actress, “‘Di s’ya afraid na mag-explore.”


Napapanood ang Someone, Someday mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at TFC. Umeere rin ito ng 72 hours in advance sa Netflix at 48 hours in advance sa iWant.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page