Ex-GF, gagamitin lang daw, Paulo… XIAN, GAME MAKASAMA ULI SI KIM, TINAWAG NA LAOS
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 13, 2026

Photo: IG _xianlimm & IG _chinitaprincess
Grabe ang reaksiyon ng KimPau fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa nabanggit lang naman ni Xian Lim na open siya to work with Kim again.
Naalala namin, nabanggit na rin ng aktres na open siya to work with Xian at parang hindi naman ganu’n katindi ang reaksiyon ng mga fans. Dahil siguro that time, wala pang KimPau love team.
Ngayon, may mga comments na pinayuhan nila si Kim na huwag nang makipagtambal sa aktor. Wala raw itong maitutulong sa career niya. May mga tumawag pa kay Xian na ‘laos’ at gagamitin lang daw si Kim para muling sumigla ang career.
May mga sobrang bitter pa ang nag-comment kung bakit biglang naisip ni Xian na sabihing he’s open to work with Kim again. Dahil daw ba sa wala na siyang career? Sinabihan nila si Paulo na huwag papayagan si Kim na muling makatrabaho si Xian at baka raw masira ang love team nila.
Patunay ang mga reaksiyong ito ng mga fans na sila ang hindi pa nakapag-move on sa breakup nina Kim at Xian. Sila ang mas galit kaysa sa aktres na nagpapakapropesyonal lang naman at wala naman talagang masama kung muli silang magtambal.
In fairness kay Xian, may career pa ito at kung wala mang acting project, nagdi-direct siya. Kaya rin siguro hindi siya tumanggap ng project dahil ang dami niyang ginagawa. Nag-aral maging piloto at nitong huli, nag-graduate ng Bachelor of Arts in Music Production.
Post ni Xian, “People have often asked why they don’t see me as much anymore in films or what I’ve been busy with.
“The truth is, I’m still here. I never left. I’ve just been quietly taking it one day at a time, studying, learning. Making mistakes, growing, adapting, and doing my best with the opportunities I’ve been given.”
NASA bansa simula ngayong Lunes ang sikat na Thai socialite, digital creator, luxury entrepreneur at internet sensation na si Aon Somrutai na tila papasukin ang Philippine showbiz. Ito ay dahil sa sinabing, “She begins her Philippine entertainment journey through GLXY Talent Management and Universal Records.”
Ang dating nito sa amin, magso-showbiz at magiging recording star si Aon at matutuwa rito si Heart Evangelista.
Nagkakilala ang dalawa sa Paris Fashion Week at pasabog ang photos at video na magkasama sila.
Magge-guest sa It’s Showtime (IS) si Aon. May photoshoot pa yata sa Mega magazine, at for sure, may iba pang guesting at events na dadaluhan.
Kilala si Aon sa catchphrase niyang “Thank you, Kateyki” at sa kanyang online presence.
Naka-post sa Instagram (IG) ni Aon ang photo nila ni Heart sa Paris Fashion Week at hindi naiwasang pagkumparahin ang dalawa. Pareho raw silang maganda, sikat at mayaman, at parehong suportado ng kani-kanilang mga asawa ang pagiging fashionista nila.
PATULOY sa pagpapakilig sina Klea Pineda at Janella Salvador at ang latest na pampakilig ng dalawa ay ang reels na nagsilbing vocal coach ni Klea si Janella.
Nag-vocalization si Janella na ipinagaya niya kay Klea. Pero sagot nito, sa dami ng sinabi ni Janella, wala siyang maintindihan.
Comment ng mga netizens, paano may maiintindihan si Klea, panay ang bungisngis at laging nakatingin kay Janella.
Sabi pa ng mga fans, tila nakikipagsabayan sina Klea at Janella sa pagpapakilig at pagiging sweet kina Rabiya Mateo at Jake Cuenca. Ang dalawang couples daw ang hands-down winner kung may pa-contest ng couple na super-pakilig at sweet, at ramdam naman na hindi lang online ang kanilang pagpapakilig.
Mukha namang walang kumokontra sa relasyon nina Klea at Janella, accepted na sila, kaya swak ang caption ni Janella sa post na magkasama sila ni Klea.
Sabi nito, “To be met with love, respect, and acceptance — never just tolerance.”





Comments