top of page
Search
BULGAR

Ex-GF, ayaw na pinagpipiyestahan sila… “MALAY N’YO, BAKA KASAL NA KAMI NI BEA!” - DOMINIC

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 24, 2024





PANSAMANTALANG nanahimik ang mundo nina Bea Alonzo at Dominic Roque nang hindi na sila gaanong aktibo sa social media. Pero kahit na binura na ni Bea ang mga larawan nila ni Dominic sa kanyang Instagram account, ay marami ang naniniwalang nagkabalikan na sila. Ayaw lang nilang umamin sa publiko.


The mere fact na nabunyag na nga na minsan ay sa bahay ni Bea natutulog si Dominic Roque, ito ay patunay na naayos na nila ni Bea ang problema sa kanilang relasyon at mas marami ang naniniwalang sila na ulit ngayon.


Hindi lang bet ni Bea Alonzo na isapubliko ang latest na kaganapan sa kanilang personal na buhay. Ayaw nina Bea at Dominic na muling pagpiyestahan ng media ang kanilang relasyon, lalo na’t ito ang inaabangan ng mga Marites sa showbiz. Ngayon ay may privacy na sila na tulad ng gusto ni Bea.Subalit, makahulugan ang latest post ni Dominic Roque para sa mga fans na nagtatanong at nangungumusta sa kanila ni Bea.


Ang sey ni Dominic Roque, peaceful at masaya sila ngayon ni Bea. Hindi na siya nagdetalye pa kung anu-ano ang plano nila sa future. “Malay n'yo, baka kasal na kami ni Bea!” ang pabirong sagot ni Dominic.At hanggang kailan balak nina Bea Alonzo at Dominic Roque na ilihim ang real status ng kanilang relasyon?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page