Ex, 'di naman daw mino-monitor… BISTEK, 'DI ALAM NA IKAKASAL NA SI KRIS
- BULGAR
- Nov 5, 2021
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 5, 2021

Matagal ding napahinga si former Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista sa pulitika dahil nga hindi siya tumakbo noong 2019 nang matapos na ang kanyang termino bilang alkalde.
Aniya ay choice niyang magpahinga muna dahil gusto naman niyang makasama ang mga anak niya nang matagal lalo pa nga’t malalaki na ang mga ito.
“Gusto kong makasama ang mga anak ko kasi mga adults na sila, eh. And you know, talking to children who are now adults, medyo adulting na ang usapan namin,” aniya sa lunch tsikahan with the entertainment press yesterday.
“And I guess, the millennial, my children, are even more rationale, or at least, iba na ang pananaw nila sa mga bagay-bagay, and I learn from them. More than anything else, I learn from them,” he added.
Bukod dito, gusto raw sana niyang mag-travel with the kids and do a travel vlog kaso ay bigla namang nag-pandemic kaya naudlot ang lahat ng plano.
“So, nu'ng nag-pandemic, tumulong naman tayo in our own simple way sa mga taga-Quezon City, sa Caloocan, namigay kami ng medicine sa mga ospital. That’s what we have been doing during the pandemic.
“So, sa munting kakayahan namin, sana, nakatulong kami or nakaambag na maibsan ‘yung pangangailangan ng ating mga taga-Quezon City, sa Metro Manila, marami kami, ‘yung grupo namin, tumutulong talaga,” ani Bistek.
Nang mag-file siya last October ng kanyang candidacy for senator sa 2022 elections, aminado siyang nasorpresa maging ang kanyang pamilya.
“Nobody in my family or among my circle knew that I am running for the Senate. Because when I was interviewed much earlier sa mga Zoom-Zoom, sa mga press conference ng mga shows, I would always say ‘Hindi ko alam kasi sa October pa, I leave it to the party. My party is the Nationalist People's Coalition,” kuwento ni Bistek.
Hanggang sa magdesisyon na nga ang kanyang partido at sinabihan siya ni Senate President and Vice-Presidentiable Tito Sotto na panahon na raw para tumakbo siya sa Senado.
Natutuwa naman si Bistek na nang magdesisyon siyang tumakbo ay marami agad sa industriya ang nagpahayag ng kanilang suporta sa kanya tulad nina Mother Lily and Roselle Monteverde of Regal Films at Boss Vic del Rosario and Vincent del Rosario of Viva Films at marami pang iba.
Siyempre, hindi maiwasang matanong si Bistek tungkol sa engagement ni Kris Aquino na as we all know ay matagal ding na-link sa kanya.
Nagbiro si Bistek na mahina ang signal kaya nagtsa-choppy siya. Tawanan.
And then, seriously sey niya, “Hindi ba sinabi ko naman, masaya ako dahil if you read her post, ‘yung peace and quiet, ‘yun ang hinahanap niya, eh. So, okay naman. I think, she’s happy.”
Shocked ba siya na ikakasal na si Kris?
“Hindi ko alam na ikakasal siya. Hindi kasi ako nagmo-monitor ng ano niya,” sambit ng senatoriable.
Pero inulit naman niyang happy siya for Kris.
When asked kung happy naman siya, “Oo naman, happy naman ako.”
Sino ang nagpapa-happy sa kanya? Beauty queen ba?
“Wala, wala,” sabay-tawa.





Comments