Ex-BF ni Julia… JOSHUA, PARE-PAREHONG INAWAYAN NINA ANGELICA, BELA AT KIM
- BULGAR

- Oct 13, 2020
- 3 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 13, 2020

Ayaw paawat ng magkakaibigang Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu sa Jojowain o Totropahin game sa vlog nila for their third anniversary celebration bilang magkakaibigan.
Ang video ng 3rd anniversary celeb ng AngBeKi (tawag sa kanilang grupo) ay mapapanood sa YouTube channel ni Kim.
Kahapon ay una na naming naisulat dito sa aming kolum sa Bulgar ang naging reaksiyon ni Angelica nu'ng ipinakita ni Kim sa cellphone niya ang picture ni John Lloyd Cruz na ex-boyfriend ng una.
This time, iisa-isahin namin ang iba pang famous local actors na pinagpilian nila kung jojowain o totropahin.
First on the list ang ex-boyfriend ni Julia Barretto na si Joshua Garcia. Lahat sila ay sinabing totropahin si Joshua. Para raw kasing nakababatang kapatid lang ang turing nila rito.
Ganyan din ang sinabi nilang tatlo sa kalabtim ni Maymay Entrata na si Edward Barber.
Napaka-witty naman ni Bela nu'ng tanungin siya ni Kim kung halimbawang ka-age lang nila si Edward.
"Okey din," sagot ni Bela. "Bela saka Edward. Hehehe."
Bela at Edward ang pangalan ng mga bidang karakter sa US franchise film na Twilight.
"Wow, naisip mo pa 'yun," sabay tawa ni Kim.
Kakaiba naman ang sagot ni Angelica kung jojowain o totropahin niya si Enrique Gil.
"Puwede kong jowain 'yan. Cute face, eh. Sorry, Liza (Soberano). Pero bagay na bagay kayo, ha? Sobra! Sa next, uh, after two lives kay Liza, ike-claim pa rin niya 'yun. So, pagbibigyan ko kayo sa dalawang buhay," esplika ni Angelica.
Pero may banta si Angelica kay Liza kapag umabot na sa ikatlong buhay, "Sa third life, baka makipaglaban na ako. 'Wait lang, Liza. Tama nah! Beke nemen,' gaganu'n ako," sabi pa ni Angelica.
After Enrique, nagtawanan nang malakas sina Kim at Bela sa next male actor na jojowain o totropahin nila dahil ito'y walang iba kundi ang ex-boyfriend ni Angelica na si Carlo Aquino.
Walang comment si Angelica na natawa na lang din. At pagkatapos, binati nina Bela at Kim si Carlo sa pagiging bagong ama.
Next ay si Daniel Padilla na sabi ni Angelica ay pamangkin ni Bela.
Paglilinaw ni Bela, pinsan at hindi niya pamangkin si Daniel.
Tinanong naman si Bela ni Kim na kung 'di niya pinsan si Daniel, type ba niya ang kalabtim ni Kathryn Bernardo?
"Hindi, Momsie (pet name ng AngBeKi sa isa't isa). Hindi mo siya puwedeng tignan nang ganu'n, ang weird. Yaik," diin ni Bela.
Puring-puri naman ni Angelica si Jericho Rosales na nakatrabaho na ni Bela sa isang pelikula.
"Sobrang bait kasi niya, eh. Ang sarap maging tropa niyan, eh. 'Yung hitsura niya, ang sarap jowain. 'Yung ugali niya, ang sarap tropahin," pahayag ni Angelica.
Si Kim naman, hindi pa raw niya nakakasama si Jericho kaya jojowain na lang ang pinili niya.
Biro ni Angelica, ilalakad niya si Kim kay Jericho.
Excited naman si Kim nu'ng ini-reveal niya na ang next na jojowain o totropahin nila ay none other than Zanjoe Marudo, ang aktor na na-link kay Bela.
"Totropahin," sagot agad ni Bela.
Tukso sa kanya ni Angelica, "Ganito 'yun, eh. Nu'ng sinabing totropahin, 'kru-kru-kru.' Maging honest tayo, Moms," parinig niya kay Bela.
"O, sige na nga. Nag-work, 'di ba?" sabay tawa ni Bela.
Sumunod si Paulo Avelino.
"Magha-hi ako, 'Hello, Pau.' Napaka-mysterious kasi niya, eh,'" sambit ni Angelica.
"Hindi ko siya masyadong kilala. So, sa hitsura, jojowain. Hi, Xi," kaway agad ni Kim sa kamera para sa kanyang boyfriend na si Xian Lim.
"Xian Lim, hehe. Xian Alexander Lim, it's just a game," pakyut na sabi ni Kim sa harap ng kamera.
On Dingdong Dantes, totropahin daw siya ni Bela kasi para raw itong 'Kuya ng Bayan.' "Parang magaling siyang mag-advise. Parang ganu'n ang nakikita ko sa kanya. 'Yung parang dignified. Para nga siyang presidente ng Pilipinas, eh. 'Yung puwede kang humingi ng advise."
Say naman ni Kim, "Hindi ko pa siya nakakausap, eh. Saka, parang natatakot ako sa kanya."
Biro nu'ng dalawa kay Kim, baka kay Marian Rivera takot ang Chinita Princess.
"Yeah, kay Marian. Hahaha!"
Last but not the least, si Alden Richards na pare-pareho nilang type na tropahin kesa jowain.
Pansin lang namin na parang wala sa listahan nila ang pangalan ni Piolo Pascual. Hindi tuloy namin nalaman kung type ba ng AngBeKi si Piolo na jowain o tropa lang.





Comments