Dahil daw kay Miguel… KYLINE, NAGSALITA NA SA NAGING WAR NILA NI BIANCA
- BULGAR

- 1 hour ago
- 4 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | July 12, 2026

Photo: IG _itskylinealcantara & _bianxa
Nilinaw ng aktres na si Kyline Alcantara na walang kinalaman si Miguel Tanfelix sa naging hindi nila pagkakaunawaan noon ni Bianca Umali.
Sa naging panayam ni Kyline sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), muling napag-usapan ang kanyang nakaraan at ang mga isyung minsang iniugnay sa kanya.
Nang tanungin ng mahusay na TV host na si Boy Abunda kung naging sila ba ng aktor sa tunay na buhay, sumagot si Kyline, “Nasagot na naman po ito ni Miguel. We had something special. ‘Yun po.”
Tinanong din siya ni Boy tungkol sa girlfriend ni Miguel na si Ysabel Ortega, “Kayo ni Ysabel, you’re okay? Are you friends?”
Sagot ng aktres, “Yes, we are okay. Actually, last taping po namin, bumisita po s’ya. Nag-games kami habang lunch break at dinner break. So, okay na okay po kami.”
Isa sa mga naging tampok sa panayam ang matagal nang usap-usapang alitan nila ni Bianca Umali. Nang tanungin ni Boy kung totoo bang si Miguel ang naging dahilan ng naging hidwaan nila ni Bianca, mariing itinanggi ito ng aktres.
“Actually, no. No po, no po,” sagot ni Kyline.
Ipinaliwanag niya na ang naging tampuhan nila ni Bianca ay dulot lamang ng misunderstanding at miscommunication.
Aniya, “Kaya nga po naging close kami ulit. S’yempre, may mga misunderstanding, miscommunication, kaya po kami ‘di naging okay ni Bianca at that time. Pero nu’ng nakapag-usap na po kami…”
Muling nagtanong si Boy, “But nothing to do with Miguel?”
“Nothing to do with Miguel,” paglilinaw ni Kyline.
Ayon sa aktres, nang magkaroon sila ng pagkakataong mag-usap nang masinsinan ni Bianca, napagtanto nilang walang kinalaman si Miguel sa kanilang hindi pagkakaunawaan.
Aniya, “So, nu’ng nakapag-usap na kami ni Bianca nu’ng time na ‘yun, akala namin... Pero nu’ng nakapag-usap na po kami ulit, parang ay, wala naman pala. ‘Di naman pala dahil kay Miguel.”
Ibinahagi rin ni Kyline na masaya siyang siya mismo ang lumapit kay Bianca upang linawin ang lahat.
Aniya pa, “And I’m so happy na dumirekta po ako mismo kay Bianca because we have deep love for each other. And I’m so happy na napakinggan namin ‘yung isa’t isa nu’ng time na ‘yun.
“And now, we’re so close, we’re so okay. Like, we have dinner, napaglutuan n’ya na ako ng specialty n’ya na sinigang, nakapunta na ‘ko sa bahay n’ya, of course bonding with Ruru (Madrid), so sobrang okay na po.”
Samantala, ibinahagi ni Kyline na minsan na siyang nabiktima ng online scam.
Tinanong siya ni Boy, “Isa sa mga nilalabanan ng Taskforce Firewall ay ang online scam. Nabiktima ka ng isang scam? Tell us more about it.”
Ikinuwento ni Kyline na nakatanggap siya ng email at text message na may kasamang link na nagsasabing may problema umano sa kanyang bank account.
Aniya, “Meron pong email and text message na may link po. Ang nakalagay po ru’n sa text message is parang may problema raw po sa aking banko, so click this link para maayos. So, I clicked it, and then parang nagpunta po sa ibang website, so inalis ko na lang po s’ya agad.”
Gayunman, nang tingnan niya ang kanyang banking app, napansin niyang nabawasan na ang laman ng kanyang account.
Aniya, “And then when I checked the bank app, biglang parang nabawasan ‘yung pera ko. ‘Yun na po pala ‘yun. Nabawasan ang aking pera.”
Nang tanungin ni Boy kung umabot ba sa daan-daang libong piso ang nawalang halaga, sinabi ni Kyline na mas mababa rito ang halaga, ngunit malaki pa rin ito para sa kanya.
“Under naman po pero malaki pa rin po ‘yun. Diyos ko! Pangkuryente ko po ‘yun,” aniya.
Anyway, sa lahat ng gumagawa ng online scam, darating din ang karma ninyo. Hintayin n’yo lang. Pak, ganern!
IBINAHAGI ng aktres na si Yasmien Kurdi ang isang masayang family moment kasama ang kanyang asawa na si Rey Soldevilla Jr. at ang kanilang dalawang anak na sina Ayesha Zara at Raya Layla.
Sa mga larawang ibinahagi ni Yasmien sa social media, makikitang magkakasama silang nanood sa IMAX Theater ng SM Mall of Asia (MOA). Ayon sa aktres, espesyal ang okasyong ito dahil ito ang unang pagkakataon na naranasan ng bunso nilang anak na si Raya Layla na manood ng sine.
Aniya, “Last night was Raya Layla’s very first time watching a movie in the cinema!!!
I’m so happy her first movie was the Philippine premiere of Moana.
“Favorite ni Raya si Moana. Memorized n’ya ang mga kanta kasi araw-araw n’ya ‘tong pinapanood sa Disney.
“You know what’s even more special is that this was also the movie Ayesha loved when she was younger. Just like Moana and her little sister, my girls have a big age gap, too. Kaya nu’ng sinabi ni Ayesha na malaki ang age gap nila ni Raya, lagi kong ine-example si Moana at ang kapatid n’ya na mas malaki pa ang age gap.
“Overall, the live-action film was so good. No joke! I honestly think they made it even better than the animated version. Walang ka-echosan! Ang galing umarte ni Catherine Laga’aia bilang si Moana. And of course, Dwayne ‘The Rock’ Johnson was perfect as Maui! Wala na akong maisip na ibang magpo-portray ng role.”
In fairness, sulit na sulit ang family movie date ng pamilya ni Yasmien dahil kitang-kita na nag-enjoy silang lahat sa kanilang pinanood na pelikula.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments