top of page
Search
  • BULGAR

Ex-BF ng aktres… SETH, NI-LIKE ANG TUMAWAG NA BOLD STAR SI ANDREA, BINASH

ni Julie Bonifacio @Winner | April 19, 2024




Sumabog na sa social media ang matagal ding naitagong “intriga” kina Francine Diaz, Seth Fedelin at Andrea Brillantes.


Lumabas kasi na may bahid na katotohanan ang mga 'awayan isyu' noon kina Francine at Andrea. And now, nagkakaugnay ang mga “kalat” nila sa socmed.


Well, we guess nag-umpisang ma-confirm na may “gap” talaga sina Francine at Andrea nu’ng ibulgar ito ni Jayda Avanzado kay Cristy Fermin.


At ngayon ay pinagpipiyestahan sina Francine, Seth at Andrea ng mga netizens sa socmed. Kung anu-anong akusasyon ang ibinabato sa tatlo.


Gaya kay Francine na akala raw nila ay mabait dahil sa sweet image nito. Si Seth naman ay nabuking na left and right din pala ang pinormahan at nakarelasyon. 


And, kay Andrea naman ay ang paulit-ulit na isyu pagdating sa kanyang sensuality.


Pero, tila lumala ang pagbatikos kay Seth ng mga netizens dahil sa pagtingin niya kay Andrea.


Meron kasing nag-post ng comment sa vlog ni Seth sa kanyang YouTube channel, kung saan tinawag na "bold star" si Andrea.


“Andrea is a bold star associated with numerous men in various sexual relationships,” maanghang at nakakalokang comment ng netizen.


Pero ang ikinagulat ng mga netizens ay ang pag-like ni Seth sa comment ng netizen to think na naging girlfriend niya si Andrea. 


“Seth is a hater, liking these kinds of comments about Andrea Brillantes on his YouTube channel?”


“I know many people hate Andrea, and this is not me defending her, but why does he like comments like this that we know aren't true? What's with him?" reaksiyon ng ilang netizens.


But to the rescue agad ang mga fans ni Seth sa pamba-bash sa Kapamilya male star.


May inilabas sila na official statement sa X na nagsasabing wala na raw access si Seth sa kanyang YouTube account.


Hanggang ngayon ay ‘di pa raw nare-retrieve ang YT account ni Seth.


Pakiusap pa ng mga fans ni Seth, "P.S. Please do not believe everything you see or read on the internet without fact-checking first. Thank you."


So, there.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page