Ex-BF na mister na ni Marian ngayon… KARYLLE, MATURED NA KAYA KINAYANG HARAPIN SI DINGDONG
- BULGAR
- Jun 13
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 13, 20255
Photo: Karylle - It's Showtime
Maraming viewers ng It’s Showtime (IS) ang kinilig sa muling pagkikita nina Karylle at Dingdong Dantes sa noontime show.
Nag-guest sina Dingdong at Charo Santos sa IS upang i-promote ang movie nilang Only We Know (OWK).
Kung matatandaan, naging magkasintahan sina Karylle at Dingdong noong magkatambal sila sa ilang shows sa GMA-7. Wala pa noon si Marian Rivera sa buhay ni Dingdong, pero hindi sila itinadhana para sa isa’t isa.
Si Marian ang pinakasalan ni Dingdong, at si Karylle naman ay happily married na rin kay Yael Yuzon.
Nag-mature na rin si Karylle kaya nagawa niyang harapin ang dating nobyo at hindi siya nailang nang muli silang nagkita.
Well, naghihintay naman ang mga netizens sa reaction ni Marian sa muling pagkikita nina Karylle at Dingdong. Hindi ba siya nakaramdam ng selos?
At this point of her life, hindi na nai-insecure si Marian Rivera kung may mga babaeng umaaligid sa kanyang mister. Malaki ang tiwala niya sa aktor at masaya naman ang kanilang married life.
Kahit pumanaw na…
RICKY, MAPAPANOOD PA SA ENCANTADIA
MAY special role rin pala ang yumaong aktor na si Ricky Davao sa Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS). Nagawa pa niyang mag-taping sa Encantadia bago siya nagkasakit, kaya tiyak na isa ito sa mga aabangan ng mga viewers kapag nagsimulang umere ang Sang’gre.
Napakalaki ng production cost ng Encantadia dahil maraming artista ang kasama sa cast. Ginastusan din ang production design, special effects at costumes ng mga artistang magsisiganap dito.
Almost three years ang ginugol sa pagbuo ng concept ng Sang’gre. Mas pinabongga ang lahat ng aspeto at tiyak na hihigitan ang mga naunang kuwento ng Encantadia.
Si Bianca Umali ang magiging sentro ng istorya at siya ang magsasalba sa kaharian ng Encantadia.
Ang magandang twist ay may pa-flashback muna ng mga naunang characters na nagsiganap noon sa Encantadia tulad nina Glaiza de Castro, Solenn Heussaff, Mikee Quintos, Sanya Lopez, atbp..
Kaabang-abang ang mga eksenang magaganap sa Encantadia.
HINDI na nakasama si Bayani Agbayani sa Season 3 ng Da Pers Family (DPF) sa TV5. Nasa kasagsagan siya noon ng kampanya para sa TUPAD Partylist kaya hindi siya nakapag-taping.
Ngayon pa lang siya bumabawi ng pahinga, pero hinahanap-hanap pa rin niya ang pagho-host ng game show-variety show.
May hinihintay din siyang comedy movie na dati niyang tinanggap bago ang midterm election.
Looking forward si Yani na muling sumigla ang movie industry upang magkaroon ng trabaho ang mga artista. Malaking tulong din na may mga independent movie producers na gumagawa pa rin ng pelikula sa kabila ng mga problema sa movie industry.
Samantala, maraming fans ni Bayani Agbayani ang nagtatanong kung kailan siya muling mapapanood sa telebisyon. Mahusay naman siyang mag-host ng game show-variety show, beterano na rin siyang comedian. Sayang naman ang talento niya kung hindi magiging aktibo sa showbiz.
For sure, hindi naman pababayaan ng Viva Entertainment ang career ni Bayani Agbayani.
NGAYONG gabi na, June 13, gaganapin ang Divas on Fire concert ng magkaibigang Token Lizares at Dulce sa Teatrino in Promenade, Greenhills, San Juan.
Parehong magaling na singer at performer sina Token at Dulce at ilang shows na ang kanilang pinagsamahan.
Bukod sa parehong magaling mag-perform, pareho ring mabuti ang puso ng dalawa lalo na sa pagtulong, kaya ru’n sila nagkakasundo at kaya rin sila sinusuportahan ng kanilang mga kakilala at kaibigan.
Marami nang natulungan si Charity Diva Token Lizares lalo na sa hanay ng mga pulis, gayundin ang mga madre at iba pang bata at matatandang maysakit.
Kaya naman tuwing nagso-show sila ni Dulce, part ng proceeds ay napupunta sa mga kaibigang madre na tinutulungan ni Token.
Tulad ngayon sa Divas on Fire, ang beneficiary ay ang Servants of Mary and Noah’s Ark dog and cat shelter.
Tiyak na mag-aapoy sa init ang show na hatid ng dalawa lalo’t sasamahan din sila ng kanilang mga special guests na Rhythm N Babes, Jex de Castro ng Tawag ng Tanghalan at Ram Castillo na nag-champion sa WCOPA.
Comments