Ex-BF, kaya proud sa ipinalit sa kanya… ANDREA, SIKAT LANG PERO NO MATCH SA ACHIEVEMENTS NG BAGONG GF NI RICCI
- BULGAR
- Feb 19, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 19, 2024

Lumantad na nga ang basketball player na si Ricci Rivero at ang beauty queen-Los Baños councilor na si Leren Bautista at sabay na nag-guest sa programang Fast Talk With Boy Abunda. This time, hindi na nila kailangan pang aminin sa publiko ang kanilang relasyon dahil bigay na bigay na ito base sa kanilang body language.
Noong una ay todo-deny pa sina Ricci at Leren. Kahihiwalay pa lang kasi noon nina Ricci at Andrea Brillantes.
Pero ngayon, proud na proud na si Ricci na ilantad sa publiko si Konsehala Leren na tinanghal na Mutya ng Pilipinas noong 2015. Naging Ms. Tourism Queen of the Year International din ito sa ginanap noong pageant sa Kuala Lumpur.
Sumali rin siya noon sa Binibining Pilipinas 2019 at tinanghal na Bb. Pilipinas Globe.
Naging representative rin si Leren ng ‘Pinas sa Ms. Universe 2021 at pumasok sa Top 10.
Nang magpahinga siya sa mga beauty pageants ay tumakbo siyang konsehal sa Los Baños. Aktibo si Leren sa mga charity projects at dito sila nagkakilala ni Ricci Rivero.
Kung tutuusin, lamang ang katangian ni Kon. Leren Bautista kay Andrea Brillantes.
Mature na ito at maraming tinutulungan na charitable institutions. Sikat man ngayon si Andrea, tiyak na mai-insecure siya sa mga achievements ni Konsehala Leren Bautista.





Comments