top of page
TEKA NGA - SEN. ROBIN, NANINIWALANG ‘DI NA KAILANGAN NI DANIEL NG KA-LOVE TEAM-IG _robinpa

Ex-BF, binati nu’ng b-day pero… RUFFA, KINUMPIRMANG HIWALAY NA SILA NI BISTEK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 15
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 15, 2026



FRANKLY - RUFFA, KINUMPIRMANG HIWALAY NA SILA NI BISTEK-IG _iloveruffag & FB Herbert 'Bistek' Bautista

Photo: IG _iloveruffag & FB Herbert 'Bistek' Bautista



Kahit wala na sila, hindi nakalimutang batiin ni Ruffa Gutierrez ang dating karelasyong si former Quezon City (QC) Mayor Herbert Bautista sa kaarawan nito last May 12.


Sa kanyang Facebook (FB) account, nag-post ang aktres ng video ni Bistek na kumakanta ng Yesterday ng The Beatles.


“Happy birthday to my mentor, former Quezon City Mayor Herbert Bautista. Wishing you continued success, happiness, and everything your heart desires,” pagbati ni Ruffa.


Aniya, kahit naghiwalay na sila ng landas ay mananatili pa rin sa kanya ang masaya nilang alaala ni Bistek at ang mga pagbabagong nagawa nito sa kanyang buhay.


“Life may have taken us on different paths, but I’ll forever be grateful for the memories, for teaching me the value of education, for inspiring me to be the best version of myself, and for the friendship we continue to share,” saad ni Ruffa.

“You taught me so much during the time we had together. Have the best day ever!” mensahe pa ng aktres sa dating dyowa.


Matatandaang nagsimula ang relasyon nina Ruffa at Bistek nang magkasama sila sa seryeng pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na The House Arrest of Us (THAOU) noong 2020 pero hindi muna nila ito inamin.


Taong 2024 nang kumpirmahin ni Ruffa na apat na taon na ang relasyon nila ni Bistek.


Lagi ring sinasabi noon ng aktres sa kanyang mga interviews na sobrang thankful siya kay Bistek dahil ito ang nag-push sa kanya na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.


Last year naman ay ini-reveal ni Ruffa Gutierrez sa isang panayam na nagkakalabuan na sila ng dating alkalde at hindi na sila nag-uusap.





Para kay Barbie Forteza, isang napakalaking karangalan na makasama niya sa isang proyekto ang iniidolo niyang si Megastar Sharon Cuneta.


Magkakasama ang dalawa sa pinakabagong collaboration ng ABS-CBN at GMA-7 na Honor Thy Mother (HTM) at nag-meet na sila sa ginanap na story conference kamakailan.


Sa interview ng GMA kay Barbie ay inilarawan niya ang pagkikita nila ni Mega.

“Honestly, we haven’t started taping yet… pero kahit dalawang beses pa lang kaming nagkasama nang matagal, naramdaman ko na agad ‘yung warmth niya bilang isang tao.


Napakalaking bagay nu’n, considering na s’ya ang ating ‘Megastar,’” saad ng aktres.

“Napakahalaga sa akin ‘yung fact na taung-tao s’ya sa lahat, mula sa pinakamababang posisyon hanggang sa pinakamataas. Taung-tao ang ating Megastar,” dagdag pa niya.


Ayon pa kay Barbie, si Sharon ang inspirasyon niya kung bakit siya pumasok sa showbiz at tama raw ang naging desisyon niya sa pag-idolo sa Megastar.


“I'm very proud kasi sabi nila, ‘di ba, ‘Never meet your heroes’ kasi a lot of times you’ll be very disappointed. Pero ako, she just keeps proving that I’ve made the right decision to be here, to join showbiz because of her. I can’t wait to learn from her,” excited na wika ng aktres.


Makakasama rin nina Barbie at Sharon sa upcoming series sina Khalil Ramos, John Estrada, Mercedes Cabral, Tonton Gutierrez, at RK Bagatsing.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page