Ex-BF, after umaming sa telepono lang siya hiniwalayan… ANDREA KAY DEREK: PATAHIMIKIN MO KAMI NG
- BULGAR
- Apr 28, 2021
- 1 min read
PAMILYA KO!
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 28, 2021

Naglabas na ng saloobin si Andrea Torres pagkatapos isapubliko ni Derek Ramsay ang mga detalye ng kanilang paghihiwalay.
Sabi ng Kapuso actress, hindi na dapat idinetalye nang punto por punto ng ex-BF niya kung bakit sila naghiwalay.
"I don't see the significance of discussing details in public," sabi ni Andrea sa isang panayam sa kanya.
Dugtong pa niya, "I honestly have a different memory of what transpired and who ended it, but I think it is not worth my time and energy because it will only turn into a 'he said, she said' kind of thing."
"If he truly respects me and my family, he'll let us have our peace," pahayag pa ng aktres.
Isang taon ding tumagal ang relasyon nina Andrea at Derek at naging close na sila sa pamilya ng isa’t isa, kaya marahil ayaw na ring magsalita ni Andrea bilang respeto sa mga magulang ni Derek, pero na-trigger siya dahil nga sa ibinulgar ng aktor sa huling panayam dito.





NAGTIKIMAN LANG DAW KAYO.