ni Nitz Miralles @Bida | March 18, 2024
Matatapos na for sure ang tsika na not in good terms sina Bea Alonzo at Julia Barretto dahil kay Gerald Anderson na ex ni Bea at boyfriend ngayon ni Julia.
Nagkita kasi ang dalawa sa surprise tribute kay Mr. Johnny Manahan at sa video, makikitang nagbatian sila na nakangiti, nagbeso at nagtsikahan nang konti.
Tuwang-tuwa ang mga netizens sa kaganapang ito at may nag-comment nga na kahit wala na sa ABS-CBN si Mr. M (Manahan), siya pa rin pala ang gumawa ng paraan para magkita, makapag-usap at magkasundo sina Bea at Julia.
Mga comments na, “Wow, this is sooo nice,” “Time indeed heals all wounds,” “OK na po sila,” “Nakakataba ng puso,” “This is amazing,” at “Nothing is impossible,” ang ilang comments na nabasa namin upon watching the video.
Hindi lang ang pagbabatian nina Julia at Bea ang magandang nangyari sa tribute na ‘yun para kay Mr. Manahan dahil nagkita rin sina Julia at Claudine Barretto. Nagyakapan din ang mag-tita. Makikita rin sa picture taking na magkatabi sila at magkayakap pa.
Kaya ang pakiusap ng mga fans, tigilan nang pag-awayin sina Julia at Bea at sana raw, wala na ring maging isyu kina Julia at Claudine para happy na lang ang lahat.
Kinuyog ng fans…
RAYVER, NAKA-MARIJUANA RAW, JULIE ANNE BINATUKAN
Kahit nag-apologize na si Rayver Cruz sa ikinilos niya sa live stream nila ni Julie Anne San Jose, tila ayaw pa rin siyang tigilan ng ilang bashers. Ang likot kasi ni Rayver at parang wala sa sarili. Pati mga sinasabi, lihis sa pinag-uusapan nila ni Julie.
Mapapanood sa video na medyo na-off si Julie, pero tuloy pa rin si Rayver sa likot at pagbungisngis.
May nag-akusa pa sa kanyang binatukan daw nito si Julie, pero sa napanood namin, parang hinawakan lang nito ang buhok ng girlfriend.
Naglabasan ang mga bashers, lalo na ang mga ayaw kay Rayver for Julie. Hindi nila tanggap ang apology ng aktor.
Pahayag ni Rayver, “Sa mga na-offend sa kilos ko kanina sa live stream namin, sorry.
But I was just being myself. Playful and happy talaga ako. Lalo na when I’m with my love. She knows that, she knows me. I don’t usually speak up, pero ibang usapan na ang accusations. Una, hinding-hindi ko kayang saktan si Julie. My mom raised me right. Hinawakan ko ‘yung buhok niya na lagi kong ginagawa sa mga iba pa naming videos ‘pag magkasama kami. Pero kung iba po ang dating sa ibang tao, wala na po akong magagawa du’n. I respect Julie sobra, sobra, and sobra ko siyang mahal pati ang family niya.
“Pangalawa, may respeto ako sa trabaho ko at sa mga katrabaho ko. Hinding-hindi ako gagawa ng makakasira ru’n. At sana, matuto na rin tayong rumespeto sa iba at maging malawak ang pag-iisip. Salamat po and good night.”
Isa sa mga akusasyon kay Rayver ay nag-marijuana raw ito at ang sabi, “May pa-drug test ba kayo @gmanetwork at @AllOutSundays7 bago mag-prod or pumasok ang artists n’yo? Mukhang nakalusot, eh. Ang lala ni Rayver Cruz, lasing ba siya or naka-marijuana? Tamang laughter at kita na sabog, eh.”
To the rescue si Julie at sinagot ang nag-comment na baka lasing o naka-marijuana si Rayver.
Pagtatanggol ni Julie, “Minsan lang po ako sumagot sa mga ganito but sobra ka na po. Below the belt and harsh na po itong accusations, please stop.”
Dinepensahan din si Rayver ng mga fans nila ni Julie. Nakiusap na tigilan ang false accusations kay Rayver at nag-comment ng, “Adik agad? Hindi ba puwedeng nasobrahan lang sa kulit si Rayver Cruz? Sa mga nagsasabing adik siya, sabi ng friend ko na nakatrabaho sina Rayver at Julie, makulit lang daw talaga ‘yan. Siguro kaya uncomfy si Julie kasi wala sa lugar at dapat professional sila d’yan.”
Comments