Estudyanteng musician pinagbabaril, todas

ni Levi Gonzales @News | October 29, 2026

Photo: 22-anyos na musician na binaril sa national road ng Brgy. Banay-Banay 2nd, San Jose, Batangas - PNP San Jose Municipal Police Station
Patay ang isang 22-anyos na musician matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa national road ng Brgy. Banay-Banay 2nd, San Jose, Batangas.
Alas-9:00 ng gabi, minamaneho ng biktimang si alyas Rome, musician, estudyante ang kanyang motorsiklo patungo sa San Jose proper nang bigla siyang paputukan ng suspek sakay ng isang sedan na hindi natukoy ang plaka.
Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima pero binawian din ito ng buhay.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang basyo ng bala ng kalibre .45, isang slug at iba pang ebidensya.
Patuloy ang dragnet operation at pagsusuri sa mga CCTV footage upang matukoy at madakip ang mga salarin.





Comments