top of page
Pokwang.jpg

Epekto ng re-acquisition ng citizenship ng mga magulang sa menor-de-edad na anak

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2021
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 26, 2021



Dear Chief Acosta,


Parehong Pilipino ang aking mga magulang hanggang sa kami ay nanirahan sa New Zealand 15 years nang nakararaan. Kamakailan, nagdesisyon silang umuwi na kaming lahat sa Pilipinas, at muling maging Filipino citizens. Nais ko lamang malaman kung apektado ako nito sapagkat ako ay 17 years old pa lamang. – Dean


Dear Dean,


Para sa inyong kaalaman, ang Republic Act No. 9225 na naisabatas noong taong 2003, o mas kilala sa tawag na Citizenship Retention and Re-Acquisition Act of 2003 ang batas na nakasasakop sa inyong sitwasyon.


Ayon sa Section 4 ng nasabing batas:


“Section 4. Derivative Citizenship - The unmarried child, whether legitimate, illegitimate or adopted, below eighteen (18) years of age, of those who re-acquire Philippine citizenship upon effectivity of this Act shall be deemed citizenship of the Philippines.”

Base sa nabanggit, isa sa mga epekto ng muling pagiging Filipino citizen sang-ayon sa nasabing batas ay ang derivative citizenship. Ayon dito, ang mga anak na wala pang asawa, lehitimo man o hindi, at wala pang 18 taong gulang, ng mga Pilipinong bumalik sa pagiging Filipino citizens, ay itinuturing ding Filipino citizens.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page