top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Epekto ng paggawa ng panibagong krimen sa probation

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 21, 2020
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 21, 2020



Dear Chief Acosta,

Kinasuhan ko ang aking kapitbahay ng Grave Threats at nahatulan na guilty ng trial

court. Nag-apply siya ng probation at inaprubahan naman ito. Ngunit, isang linggo pa

lamang ang nakalilipas matapos nito, nagsimula na naman siyang manggulo sa amin

hanggang sa nagkapisikalan na sila ng aking asawa. Ini-report namin ito sa mga pulis at siya ay inaresto. Nais ko sana siyang kasuhan ng physical injuries. Ano ba ang dapat kong gawin? – Princess


Dear Princess,

Ang unang hakbang na inyong dapat gawin ay ang pag-report ng naturang insidente sa

probation officer na nagsu-supervise sa inyong kapitbahay. Ayon sa Section 11 ng Presidential Decree (P.D.) No. 968 o Probation Law na inamyendahan ng Republic Act (R.A.) No. 10707, kapag nilabag ng probationer ang alinman sa mga kondisyong nakapaloob sa probation order o kaya ay gumawa na naman siya ng panibagong krimen, siya ay maaaring arestuhing muli at ikulong upang pagdusahan niya ang kaparusahan na ipinataw sa kanya sa krimen na pinagkalooban siya ng probation, viz:


“Section 11. Effectivity of Probation Order. A probation order shall take

effect upon its issuance, at which time the court shall inform the offender of the

consequences thereof and explain that upon his failure to comply with any of the

conditions prescribed in the said order or his commission of another offense, he

shall serve the penalty imposed for the offense under which he was placed on

probation.”


Base sa inyong kuwento, malinaw na ang ginawang panggugulo ng inyong kapitbahay na humantong sa pisikalang pag-aaway ay paglabag sa Section 11 ng P.D. No. 968, na nakapaloob sa kanyang probation order sapagkat ito ay maituturing na paggawa ng panibagong krimen. Dahil dito, siya ay kinakailangang arestuhin ng kanyang probation officer sa bisa ng warrant of arrest upang muling humarap sa korte para sa informal at summary hearing na kung saan ay aalamin kung mayroon nga bang naging paglabag. Bukod dito, maaari mo pa rin siyang kasuhan ng Physical Injuries dahil sa pananakit na ginawa niya sa inyong asawa. 


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na

ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

1 Comment


amelpha.suero1128
Oct 31, 2020

Dear Atty. Acosta,

Ask po ako atty.,

Is it legal that the person who is handling the recorded voice evidence,to let other people hear that recorded voice?

Yet he has the concrete evidence,is it lawful for him to have someone hear it,..like in a case that he recorded a voice of a man who is shouting at some members of his family and they are recording it, and used it as evidence against him,is it okay to have somebody hear or see it? In his case,he let the brgy. kagawad who just came to have him sign for the record in the brgy,.and is not yet for investigation to have it heard from his cp recorder.

And to add..who are…


Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page