Enjoy sa pagti-TikTok… MARIAN, AYAW PANG MAGKA-BABY ULI
Updated: Sep 20, 2023
ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 17, 2023

Bentang-benta talaga ang mga TikTok dance videos ngayon ni Marian Rivera kaya sa launching niya kahapon as the newest endorser ng Unilab's Solmux Advance Suspension sa SM The Block kung saan ginanap ang Solmux Advance Jam event, ang daming kumagat sa TikTok dance challenge ni Marian at nakipagsabayan talaga sa kanya sa stage ng kanyang mga pinausong dance steps.
Tuwang-tuwa naman si Marian na maraming gumagaya sa kanyang mga dance steps pero nahihiya pa itong tanggapin na siya na ang bagong "TikTok Queen" dahil million views nga ang inaabot ng bawat dance video niya.
Masaya rin niyang ibinalita na soon ay magko-collab na sila ng kanyang actor-dancer na mister na si Dingdong Dantes sa isang TikTok dance video kaya abangan n'yo 'yan.
Samantala, iba rin talaga ang karisma at popularidad ni Marian Rivera dahil kahit nag-asawa na ito, hindi nabawasan ang kanyang kasikatan. In fact, parang mas naging in demand pa nga siya being an actress and endorser.
Imagine, kahit 4 yrs. siyang nagpahinga nang mabuntis uli siya sa second child nila ni Dingdong na si Sixto, ngayon ay sunud-sunod na naman ang projects ni Marian.
Bukod sa TV series na pagsasamahan nina Marian at Gabby Concepcion for the first time sa GMA-7, ang Against All Odds, mag-uumpisa na rin soon ang shooting ng pang-Metro Manila Film Festival 2023 entry nina Dingdong at Marian titled Rewind.
Natutuwa nga raw si Marian dahil malalaking artista ang bida sa mga kasaling pelikula sa MMFF 2023 tulad na lang nina Sharon Cuneta at Alden Richards, at hopefully nga, makapasok din 'yung kina Ms. Vilma Santos at Christopher de Leon na When I Met You in Tokyo at 'yung Pieta ni Superstar Nora Aunor.
At bukod sa kanyang TV and movie projects, may bago nga siyang endorsement, itong Solmux Advance Suspension with the theme "Ubo Free Ganap Ready".
Kaya naman when asked kung kelan nila balak sundan uli ni Dingdong ang kanilang bunsong si Sixto, natatawang sabi ni Marian, 'wag na lang daw muna dahil ngayon pa nga lang siya uli bumabalik at ine-enjoy niya pa ang pagti-TikTok dance niya, kaya 'yun na lang daw muna ang abangan sa kanya ng mga fans.
Although kung saka-sakaling mabuntis naman daw siya uli, welcome siyempre sa kanila ni Dingdong ang bagong baby.
Kaya lang, sabi nga ni Marian, "Linggo na lang ang pahinga ng asawa ko."
Oh, ha?! At siyempre, ang Linggo na 'yun ay para sa family day nila… at kung may iba pa silang ganap, eh, 'wag na nating pakialaman, hahaha!

Kinantiyawan namin ang aktor-direktor na si Eric Quizon sa media launch ng 32 bagong talents ng NET25's Star Center na siya na ang bagong Mr. M a.k.a. Johnny Manahan o Kuya Germs (the late German Moreno, RIP).
Si Direk Eric kasi ang tumatayong head ngayon ng talent agency ng NET25, kung saan magbi-build-up sila ng new breed of stars na pasisikatin sa mga gagawing shows ng network tulad ng Star Kada: The Road to Kada 25 na isang reality show kung saan mapapanood ang audition journey ng 32 young talents.
Pero ayon kay Direk Eric, mas gusto niyang gumawa ng name bilang mentor sa sariling paraan.
Dream niyang makatuklas ng mga bagong talents na sisikat sa industriya at kahit isa lang daw sa 32 na anak-anakan niya ngayon ang maging big star ay malaking karangalan at achievement na para sa kanya.
Kinumusta naman namin ang estado ng love life ni Direk Eric matapos hingin ng ilang press people ang reaksiyon niya sa minsang inamin ni Zsa Zsa Padilla na naging crush pala siya nito noon.
Natawa lang si Direk Eric sa narinig na crush siya ni Zsa Zsa at aniya, bago pa kasi nagkakilala noon ang Divine Diva at ang Daddy Dolphy niya, una na silang nagkatrabaho ni Zsashing sa isang project.
Eh, aminado naman ang aktor na talagang sobrang daming nagkakagusto sa kanya noon dahil nga macho guwapito siya lalo na nu'ng kabataan niya.
But anyway, ngayon naman daw, aniya, minsan may love life siya, minsan wala. (Depende kaya sa ikot ng buwan at mga bituin? Char! Lol!)
And when asked kung may plano pa ba siyang mag-asawa at magkaanak, diretso niyang sagot, anak na lang ang gusto niya, ayaw na niyang mag-asawa.
Biniro nga namin siyang idol niya ang kanyang yumaong amang Comedy King na walang pinakasalan at natatawa niyang sagot, siguro raw kasi, 'yun ang kinalakihan nila, kaya sa kanilang magkakapatid, si Vandolph lang din yata ang kasal.
Samantala, excited na si Direk Eric sa bagong challenge na iniatang sa kanyang balikat ng NET25.
Marami raw silang plano para sa 32 kabataang kinuha nila para sa Star Center na in fairness, mga artistahin talaga ang hitsura at ipinagmamalaki nga ni Direk Eric na mga talented, kaya naniniwala siyang meron at merong sisikat sa mga ito.
Ilan sa mga tumatak sa aming members ng Star Center ay sina Bo Bautista (anak nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta), Shira Tweg, John Heindrick, Aaron Gonzalez (may hawig kay TJ Trinidad), Sofi Fermazi at Via Lorica (look-alike ni Arci Muñoz).
Well, abangan na lang natin ang mga upcoming shows ng NET25 kung saan mas mapapanood natin ang mga talents ng first batch ng Star Center.





Comments