top of page
Search
  • BULGAR

Enjoy-enjoy lang… RURU AT BIANCA, 'DI NAGMAMADALING MAGPAKASAL

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 28, 2024





Getting strong pa rin ang relasyong Bianca Umali at Ruru Madrid, dahil naging inspirasyon nila ang isa’t isa upang abutin ang kanilang mga goals sa buhay. 


Pareho namang maganda ang naging takbo ng career ngayon nina Bianca at Ruru.


Kahit magkahiwakay sila sa mga projects ng GMA Network, hindi sila na-typecast na love team, kaya puwede silang pumareha sa ibang Kapuso stars. 


Importante rin na pareho silang miyembro ng INC (Iglesia ni Cristo). 


Habang nagtatagal ay lalong lumalalim ang relasyong RuCa (Ruru/Bianca), at maraming bagay silang natuklasan sa isa’t isa na lalong nagpatibay sa kanilang relasyon. 


May mga plano pa silang gustong gawin at abutin dahil maraming oportunidad ang nakaabang para sa kanilang career na ayaw nilang palampasin. 


Kaya naman hindi nila minamadali ang pagpapakasal, pero kung may isang bagay na pangarap na gampanan si Bianca Umali sa tunay na buhay, ito ay maging isang tunay na ina. 


Maagang naulila sa ina si Bianca. Ang kanyang lola na ang tumayong ina nito at itinuring na tunay na anak ang aktres. 


Ngayon, nagtutulungan sa career sina Ruru at Bianca at kahit pareho silang busy, nagkakaroon pa rin sila ng time na mag-bonding. 


Well, si Ruru kasi ay busy sa Black Rider, samantalang si Bianca ay may mga guestings din habang hindi pa nagsisimulang magteyping ng Sang're: Encantadia Chronicles.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page