Enjoy daw kay Bistek, Kris… “HEIGHT DOESN’T MATTER!” — RUFFA

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 17, 2021

Simula nang gawin ang The House Arrest of Us, hindi na natigil ang pangangantiyaw kina Ruffa Gutierrez and former Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Kahit tapos na nga ang serye, up to now ay patuloy pa rin silang nali-link.
Ano nga ba ang real score between Ruffa and Bistek?
“Bakit ba kami natsitsismis? Nakakaloka!” sabi ni Ruffa sa tsikahan with the press last Monday.
“Siguro, lahat ng mga tao, na-type-an ‘yung team-up namin na unexpected sa The House Arrest of Us kasi ang daming nagme-message sa amin na mga fans, nakukyutan sila sa amin na puwede pala, height doesn’t matter.
“Kaya tuloy ‘yung mga may crush sa akin na mas medyo maliit sa akin, biglang nagkaroon ng pag-asa,” patuloy niya.
Wala raw ligawan na nangyayari sa kanila at ang tingin daw niya kay Bistek ay mentor and professor. Marami raw siyang natutunan sa aktor/pulitiko dahil matalino rin ito. Dagdag pa niya, platonic lang daw talaga ang relasyon nila.
“Saka si Mayor, ang daming priorities din niya sa buhay. Unang-una, ‘yung mga anak niya, siyempre. So, I just enjoy his company and buong cast kasi ng The House Arrest of Us, naging close.
“And siguro, kami ‘yung natsitsismis dahil siya ang leading man ko and at the same time, single siya. Pero no, wala kaming ganu’n, mga lovey-dovey, no! My gosh,” sey ni Ruffa sabay-tawa.
“Kung close kami, yes, close kami, he’s my mentor and I enjoy his company. So, ru’n lang muna,” dagdag pa niya.
Sa ngayon, dahil katatapos lang ng 7-year relationship niya with Jordan Mouyal, gusto raw muna ni Ruffa na ipahinga ang kanyang puso at hindi pa siya ready na pumasok ulit sa isang relasyon.
“This year, kailangan talagang mag-focus ako sa family ko, I wanna spend more time with my kids, with my parents at marami rin akong projects na gagawin. Thank you Lord for Your provisions,” she said.
Pero welcome naman daw ‘yung mga nagpapakita sa kanya ng atensiyon.
“As long as they’re very real and as long as mabait sila, why not? Pero to jump into a serious relationship right away, that’s not part of my plan for this year,” deklara ni Ruffa.
Pero hiniritan pa rin siya ng press kung ready ba siyang maging stepmom sa mga anak ni Bistek if ever at napatili si Ruffa.
“Grabeeh talaga! Oh, my God!” natatawa niyang sambit.
“Hindi ko pa naiisip ‘yun, hindi ko pa nae-envision or nai-imagine ‘yun. Kasi, para sa akin, in love, you know if it happens, it happens, but wala pa sa utak ko ‘yun,” aniya.
Natatawa niya pang dagdag, “‘Kakahiya naman kay Mayor, ano ba ‘yan? Parang napaka-deep naman ng mga questions n’yo!”
Anyway, may offer daw ulit na pagsamahin sila ni Bistek sa isang project and hopefully daw ay matuloy ‘yun.





Comments