top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

ENGAGEMENT RING NG ANAK NI GRETCHEN, ITINAOB ANG P5 M SINGSING NI JESSY

BULGAR
Oct 16, 2021
1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 16, 2021




Engaged na ang unica hija nina Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco na si Dominique Cojuangco sa non-showbiz boyfriend nitong si Michael Hearns.


Tulad ng ama ni Dominique, isa ring negosyante ang mapapangasawa niya.


Idinispley ni Dominique ang kanyang engagement ring sa kanyang Instagram recently.


Siyempre pa, dinagsa ng pagbati sa comment section si Dominique sa pangunguna ng kanyang tiyahin na si Claudine Barretto.


But what’s more interesting ay ang napakalaking square diamond sa gitna ng engagement ring ni Dominique. Pagkatapos ay tadtad na ng maliliit na diamonds ang paligid ng singsing.


Ito na yata ang pinakamalaking diamond na nakita namin sa isang engagement ring. Mukhang kinabog na nito ang engagement ring na ibinigay ni Luis Manzano sa kanyang misis na ngayong si Jessy Mendiola.


Halos umabot sa P5 M ang halaga ng engagement ring ni Jessy na may malaki ring cut ng bato sa gitna at napapalibutan din ng not so tiny diamonds on both sides of the ring.


So, kung worth almost P5 M ang engagement ring ni Jessy, malamang na higit pa sa P5 M ang singsing naman ni Dominique.


Well….

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page