Empleyado na natanggal dahil sa misconduct
- BULGAR
- Mar 1, 2022
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 1, 2022
Dear Chief Acosta
Ako ay manggagawa na natanggal sa trabaho sa kasong serious misconduct. Hindi kami nagkaroon ng hearing sa aming kaso. Pinadalhan lang kami ng notice na magpaliwanag at matapos ang isang linggo ay pinadalhan kami ng isa pang notice na nagsasaad na ako ay tanggal na sa trabaho. Nais ko sanang marinig nila ang aking panig sa hearing upang doon ako magpaliwanag. Tama ba na tanggalin ako nang hindi nagkakaroon ng hearing? - Jay
Dear Jay,
Ang sagot sa inyong katanungan ay nasagot ng Kataas-Taasang Hukuman sa kaso ng Felix B. Perez vs. PT&T Co. (G.R. No. 152048, April 7, 2009, Ponente: Honorable Former Chief Justice Renato C. Corona). Ayon sa Korte Suprema:
“The standard for the hearing requirement, ample opportunity, is couched in general language revealing the legislative intent to give some degree of flexibility or adaptability to meet the peculiarities of a given situation. To confine it to a single rigid proceeding such as a formal hearing will defeat its spirit.
Significantly, Section 2(d), Rule I of the Implementing Rules of Book VI of the Labor Code itself provides that the so-called standards of due process outlined therein shall be observed "substantially," not strictly. This is a recognition that while a formal hearing or conference is ideal, it is not an absolute, mandatory or exclusive avenue of due process.
An employee’s right to be heard in termination cases under Article 277(b) as implemented by Section 2(d), Rule I of the Implementing Rules of Book VI of the Labor Code should be interpreted in broad strokes. It is satisfied not only by a formal face to face confrontation but by any meaningful opportunity to controvert the charges against him and to submit evidence in support thereof.” (Binigyang-diin)
Ayon sa nasabing desisyon, bagama’t ang paghaharap ng mga panig sa pagdinig ay kaaya-aya, ito ay hindi inire-require o iniuutos ng batas. Ang importante ay mabigyan ang inaakusahang empleyado ng pagkakataong maibigay ang kanyang panig sa anumang pamamaraang legal.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




Comments