Emma o Ocean 'pag babae, Luke 'pag lalaki… LUIS AT JESSY, MAY IPAPANGALAN NA SA ANAK
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 06, 2021

Parehong mahilig sa bata ang bagong kasal na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Pero aminado ang dalawa na dahil sa sitwasyon natin ngayong pandemic, ayaw muna nilang i-prioritize ang pagkakaroon ng anak.
“We love kids. When we see cute kids on social media, we send each other the pictures and videos of laughing babies to crying babies. Wallpaper niya (Jessy) right now sa kanyang phone is what we believe our child would look like,” kuwento ni Luis sabay buong pagmamalaking ipinakita ang cute na cute na photo ng isang batang babae.
May napili na nga rin daw sila ni Jessy na ipapangalan sa magiging anak — Emma o Ocean kung babae at Luke kung lalaki.
“When we hear the name Emma, naiisip namin 'yung tisay na naka-pigtails, tapos ang pula-pula ng cheeks. Ocean naman because we love the ocean. We’re divers, we want to eventually live by the sea…
"‘Yung pangalang Luke, it’s a bit of a play on Lucky [my nickname] and also a bit of a ‘Star Wars’ thing.”
Kasama raw sa listahan ng mga unang bagay na gagawin ni Luis after pandemic, “I would spend time with my family. Siguro sit down, have a maskless meal, hug everyone, my mom, my dad, and create the little angel.”
Sa ngayon, masayang-masaya si Luis sa buhay-may-asawa lalo't nalagpasan na nila ni Jessy ang malaking pagsubok sa kanilang relasyon noong muntik pa silang maghiwalay bago sila nagdesisyong magpakasal.
Samantala, may bagong role si Luis bilang ambassador at health advocate para sa leading flu medicine na Bioflu.
“Kapag may trangkaso ako, ramdam ko ang lahat ng sintomas – lagnat, sakit ng katawan, ubo’t sipon. It is so hard for me to function when I have the flu, as in talagang bed rest, bagsak,” aniya.
Kaya very important nga naman lalo na sa panahon ngayon na uso ang trangkaso at COVID-19 na laging may Bioflu sa ating mga bahay.
Bukod kay Luis, marami ang nagtitiwala sa Bioflu para makabangon mula sa trangkaso. “We have to admit, there are some na if they don’t go to work, they don’t get paid. That’s why a lot of people fall back on a trusted brand like Bioflu to be able to get back on their feet and to be able to do what they need to do for themselves and their family.
"At doon ko rin nakita ang value ko bilang isang brand ambassador ng isang produktong katulad ng Bioflu. I am representing a product na talagang makakatulong sa mga taong bumangon, lalo na sa panahon ngayon.”
Tamah!





Comments