top of page
Vice Ganda sa UAAP 89 - IG.jpg

ELLEN, IFINLEX NA CASH ANG SUSTENTO NI JOHN LLOYD, DEREK, CREDIT CARD

Writer: BULGAR
BULGAR
34 minutes ago
3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly| September 16, 2026



FRANKLY - ELLEN, IFINLEX NA ‘SINAMPAL’ NG 2 BUNDLES NG TIG-P1K NI JOHN LLOYD, SUSTENTO SA ANAK-IG _maria.elena.adarna

Photo: IG _maria.elena.adarna



Ang daming nag-react sa playtime post ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram (IG) account.


Nag-post ang dating aktres ng video kung saan ay makikitang sinampal ang mukha niya ng dalawang bundle ng datung na tig-P1K at umarte naman siyang binabaling-baling niya ang ulo.


“Caption this because…. (crying & love emoji). Drop your best one below. May the most unhinged caption win,” caption niya.


Laugh naman nang laugh ang mga netizens at nag-joke rin na gusto rin nilang pasampal.


At dahil may kamay na sumasampal sa kanya na hindi na ipinakita ang face, may nagkomento ng “BF reveal” dahil ang akala ay may bago na siyang boyfriend.

Sinagot naman ito agad ni Ellen at ini-reveal na monthly sustento ni John Lloyd Cruz (JLC) para sa anak nilang si Elias ang datung at hindi galing sa boylet dahil wala raw siyang love life ngayon.


“Gagi monthly sustento ‘to ni JL sa anak n’ya. Hahaha! Ginawa ko na lang playtime, wala akong boyfriend, ‘noh! Please lang. Hahaha!” reply ng dating aktres.


Kaagad umani ng atensiyon ang video at ang ibang netizens ay naghinalang baka pinaparinggan ni Ellen ang kanyang estranged husband na si Derek Ramsay.


“Ganu’n dapat, cash ang labanan, hindi PDC (post-dated check),” komento ng isang netizen.

“‘Di tinipid pero ‘di ipinagyabang, ano kaya ang sey ni Mr. Credit Card,” sey naman ng isa pa.


Matatandaang noong nakaraang Pebrero ay ibinuking ni Ellen na hindi nagbigay ng sustento ang aktor sa kanilang anak na si Lily from October to December 2025.

Pero nagbigay daw ito ng credit card na may P50,000 monthly limit at sey ni Ellen, kulang na kulang daw ito.


Ayon pa sa dating aktres, ibang-iba raw si John Lloyd kay Derek dahil kusa raw nagbibigay ng child support ang una at hindi na kailangang sabihan.





NAGING daan ang teatro para sa mga batang performers tulad nina Benedix Ramos, Omar Uddin at Angela Ken para lalo pang mahubog ang kanilang talento sa entablado.


Para kay Omar, ang maging bahagi ng The Notebook: The Musical (TNTM) ang susi para mas pag-isipan pa ang mga roles na gusto niyang kunin sa hinaharap. 


Nang tanungin tungkol sa kanyang dream roles at mga artistang nais niyang makatrabaho, ibinahagi niyang gusto niyang subukang gampanan ang character ni Old Noah Calhoun.


“Ngayong nasa Notebook na ako, I would want to play middle Noah or older Noah, give me like 20-30 years,” bahagi ni Omar.


Para naman kay Benedix, importanteng bigyan ng halaga, maging open at present sa paghahanda para sa isang theater role.


“In order for you to prepare yourself, you have to be open talaga, eh. You don’t really have to stick to what you have written in your notes, what you have rehearsed. It’s the surprise on stage that you allow in order for you to feel the ground, to feel the moment,” paliwanag ni Benedix.


Dahil sa kapana-panabik na performances at timeless love story, patuloy na hinahangaan ng mga theatergoers ang TNTM na may kaunting show dates na lang ang natitira.


Mapapanood sina Benedix Ramos at Omar Uddin kasama si Sheena Belarmino na bibigyang-buhay ang kanilang mga karakter hanggang September 20 sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit Makati.


Ang koneksiyon naman sa audience ang isa sa mga dahilan kung bakit nagiging meaningful kay Angela ang mag-perform on stage. Para sa kanya, mahalaga na makita ang reaksiyon ng mga manonood nang real-time.


“That fulfills my heart kasi ‘yun po ‘yung purpose ng ginagawa ko is for them to know na they are not alone and at the same time, we are here for a reason. Our voices are instruments for those people na ‘di naririnig ‘yung boses nila,” pagbabahagi ni Angela.


Abangan ang first solo concert ni Angela Ken sa October 18, 7 PM sa New Frontier Theater. Sa concert na ito, mas maipapakita ni Angela ang kanyang artistry bilang singer at performer.


Sa pamamagitan ng kani-kanilang mga karanasan sa stage, mas ipinapakita nina Benedix, Omar at Angela ang kanilang personal growth at meaningful connection sa kanilang audience.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page